*Mga sagot ko sa mga pahayag ni AE sa sulat ng blogger ng site na ito.
Salamat po sa inyong pagsulat. Sa paraan ng inyong pagsusulat ay
masasabi kong matalinong tao kayo. Kaya di ko na po kailangang pakahabaan ang
sagot ko dahil sa palagay ko naman ay madali nyo na itong mauunawaan.
*Bago ko sagutin punto por punto ang sinabi mo AE meron akong tanong
sayo.
Yung mga hinikayat ninyong sumama sa inyo, meron ba kayong pangakong
kaligtasan, maliligtas ba sila o kami pag sumama kami sa inyo na lumaban sa Pamamahala?
Ang lahat ng mga sinabi ninyo sa mga puntos o tanong na inilahad
ninyo ay batay lamang sa inyong opinyon o pagkaunawa. Wala akong dapat na
pangatwiranan dahil opinyon nyo lamang ang mga iyon. Maaaring totoo ito
at maaaring hindi.
*Ganun din naman ang ginagawa mo sa mga sulat mo batay din sa iyong
sariling opinyun, wala ka naming naipakitang ebidensya sa mga sinulat mo puro
bintang na walang basehan, puro paninira na ang talagang layunin ay pabagsakin
ang Pamamahala at sirain ang Iglesia.
Bagamat nasa uring nagtatanong kayo subalit kung babasahin nyong
muli ang mga sinulit ninyo ay mapapansin ninyong konklusyon na ninyo ang mga
inilalahad ninyo. Samakatuwid wala ring bisa ang pagtatanong ninyo o paglilinaw
ninyo dahil mahigpit ninyong pinanghahawakan ang inyong sariling pananaw.
*The
writer of this blog is giving you the dose of your own medicine, pansinin mo ang
mga post mo ganyan din ang sistema mo kaya tama lang ang ginawa ng writer ng
blog na to, pero wala kang sinasagot sa mga tanong nya, masyado kang mawidwid
madami kang pasakalye sa huli wala ka namang napatunayan.
Hindi ako makikipagdebate sa inyo ukol sa mga bagay na mayroon na
kayong kapasyahan dahil sa naisulat ko na ang mga bagay na ipinahayag ko at
alam kong kahit ano pang sasabihin ko ay buo na ang kapasyahan ninyo.
Matalinong tao kayo. Kung ano ang abot ng inyong pangunawa at pananampalataya
ay yun ang inyong mamamalas sa inyong mababasa. Hindi ako ang maaari magkaloob
syo ng pangunawa o pananampalataya.
*Ang
ibig bang sabihin nito ay mas mataas pa ang antas ng inabot ng kanyang pang
unawa at pananampalatay kesa sau na naging “ministro” sa Iglesia. Sabagay
ibinigay ka na ng Diyos kay Satanas para magmana ng buhay sa dagat dagatang
apoy. Dahil nilamon na ng galit at sariling interes ang puso mo. Tama ang
writer nito ang pinak sagradong bagay sa Iglesia na hindi nga pinag uusapan sa
labas (Ang Pananalapi) at kahit sentimong mali ay ginagawan ng salaysay para
itama, ganun ganun mo lang isiniwalat at winasak sa social media, isipin mo
panahon pa ng Sugo yang mga bagay na yan, walang naka alam nyan sa labas pero
IKAW, KAYO ng mga kalahi mo kay Satanas walang pakundangan nyong isiniwalat sa
media, nasaan ang sinasabi mong pag ibig at pagmamalasakit sa Iglesia.
At dahil sa magkaiba tayo ng opinsyon sa mga bagay na ito, pareho
tayong sumasampalataya na ang iglesiang ito ay sa Diyos at Siya lamang ang may
kalooban na matupad ang isang bagay o pigilan ang isang bagay ayon sa kaniyang
kalooban na rin.
*Talagang
Magka iba kayo, Pareho nga kayong sumasampalataya pero sigurado AKO na hindi ka
maliligtas pag dating ng takdang panahon, kasi nasa labas ka na ng Iglesia at KAMI
nasa loob ng Iglesia at alam mong walang ibang ililigtas kundi ang mga nasa loob at iyun lang ang ililigtas
pagbalik ni Cristo. Tama ka rin sa sinabi mo “kanyang kalooban na rin” dahil
kalooban nya rin na hindi ka maka sama sa mga ililigtas.
Lahat ng ito ay nagaganap dahil niloob Niya. Kung hindi po ninyo
ito sinasampalatayanan ay talagang mahirap po talaga para sa inyo na tanggapin
ang mga nangyayari ngayon. Subalit sumampalataya po kayo na di pababayaan ng
Ama ang Kaniyang Iglesia at ang Tagapamahalang Pangkalahatan kahit ilan pang
antonio ebangelista ang sumulpot.
*Wala
ng iba pang AE na susulpot dahil kayo na ang huli, alam mo yan dahil nakita na
natin ang lahat ng palatandaan at patuloy pang nagaganap ang iba. AT kung meron
mang lumutang pa na bagong AE wala na kayong magagawa dahil metatag na ang
Iglesia, HINDI na ito matatalikod at HINDI nyo kayang gibain ang pananampalataya
naming mga Iglesia Ni Cristo dahil kaisa kami ng Pamamhala sa pagsunod sa mga
utos ng Diyos at ng Panginoong Jesus.
Bilang panghuli, iginagalang ko
po ang inyong opinyon tungkol sa akin at sa aking ginagawa. Di man tayo
magkasundo sa ating pagpapahayag subalit iginagalang ko ang inyong karapatan na
ipahayag ang inyong saloobin at isipan. Salamat po.
*Sa huli ipinagpapasalamat ko ang ginawa ninyong pagbatikos at tangkang
pag papabagsak sa Pamamhala dahil lalu itong nagpatibay sa aming pananampalataya
lalu itong nag bigay sa amin ng matibay na pag asa at pananampalataya sa Diyos,
kay Hesus at sa Pamamahalang inilagay nya sa Iglesia. Sabi mo nga kalooban ito
ng Ama, nangyari ang mga bagay na ito dahil ginusto ng Ama na mangyari ito para
mahayag kung sino sino ang sa Kanya at kung sino sino ang laban sa Kanya, tulad
na lang ng nangyari kay Hesus ng ipagkanulo siya ni Hudas, nangyari yun dahil naging
sakim si Hudas sa pansariling pakinabang sa pan sariling interes kaya niloob ng
Ama na mapunta siya kay Satanas katulad nyo rin na mga Hudas sa bagong panahon
niloob din ng Ama na mangyari to para HINDI kayo makasama sa mga ililigtas .
Sayang ang pinuhunanan nyo, sayang ang lahat ng pinagpagalan ninyo dahil
nabalewala lahat iyon dahil sa huli pareho ka lang ni HUDAS.
Antonio Ebangelista
Antonio Ebangelista
Comments
Post a Comment