Kumusta na kayo mga tagasubaybay ko, sana nandyan pa kayo at di ako iniwan. Ang tagal na pala ng huli akong mag post sa Blog ko. April 6 2012 ang last posting ko 28 weeks in Nigeria. Nuon binibilang ko ang araw at linggo kasi parang ang bagal ng araw tapos halos gabi gabi nag susulat ako ng Notes para sa weekly write ups ko, (naks akala mo writer talaga).
Madami ng nangyari mula nuong huli akong magsulat sa blog, naka uwi na ako sa Pinas, naka balik na ako d2. Nag resign na ako ulit mga 3X na yata akong nag re resign pero hanggang ngayun nand2 pa ako sa Nigeria. (Sa susunod ikukwento ko yung huling pag re resign ko)
Umuwi ako sa Pinas para din akong nasa Nigeria dahil sinusundan ako ng trabaho dun ng emails ng tawag, hay buhay parang life.
Sabi ko pag uwi ko di na ako babalik, merong kumuha sakin tamang tama March ako umuwi sa April daw ako mag sisimula sa kanila, kaso nung nandun na ako at malapit na araw ko, nasabi ko kawawa naman yung mga kasama ko kung di ako babalik kasi madadamay sila cgurado magagalit ang may ari sakin at pati sa kanila, naka kontrata ako tapusin ko na lang tapos di na ako mag re renew, kasi baka sila ang balikan, so as a good citizen (hindi seiko ha) bumalik ako pero inihanda ko na sarili ko sabi ko desisyun ko na to anuman ang mangyari anuman ang abutan ko ulit kahit mas masahol pa sa dati hindi na ako aangal hindi na ako magagalit at hindi na ako sisigaw sa inis, kasi ako na to, choice ko na to!.
So iyun ang ginawa ko at ginagawa ko, kahit asar na asar ako kahit na buwiset na bwiset ako relaxxxxx, cooooool, chillllll ooout ganun na lang ginagawa ko para humaba pa buhay ko at sabi ko nga tatanggapin ko na lang ung darating.
May isang kasamahan akong umuwi tapos di na bumalik d2 ayun tama ang hinala ko, tama ang palagay ko, tama ang hula ko, damay kami lahat di lang Pinoy pati Panang kasamahan ko d2. Namatay daw ang Nanay tapos pinayagang umuwi, den di na bumalik nag email na lang, galit na galit yung may ari tapos lahat damay eto ngayun ang banta pag di bumalik pati yung isang Pinoy tatanggalin. Awa naman ng Diyos nag lubag ang kalooban di na idinamay yung isa pero di pa dun natapos ang kalbaryo, enimail yung di na bumalik at sinisingil cya ng lahat ng gastos sa kanya ng kumpanya mga 7500 dolyares daw lahat pati plane tiket etc etc.
Binalikan sila ng noypi may kasamang computation ng mga ipinag trabaho nya ng Sabado at Linggo at holiday humigit kumulang 15,000 dolyares, ayun natigil ang bangayan di na kinukulit ang noypi na umuwi ang hinahabol ngayun yung Noypi na nagdala d2 o nag pakilala sa may ari. (Noypi pa gugulangan nila eh di pa pinapanganak ang gulang magulang na tayo hehehehe)
Tapos merong isang pana namatay ang kapatid at tatay eto na po ang malungkot na resulta, hindi pinayagang umuwi yung pana at hinahanapan ng katibayan ng pagkamatay. Ang ginawa ng namatayan nag padala ng picture ng namatay kaya ayun pinayagan kaso ng payagan nailibing na yata yung namayapa kaya di na tumuloy ang ginawa di na lang nag renew at uuwi na lang sa bansa nila. Isipin mo kung gaanong hirap ang inaabot ng isang manggawa sa ibang bansa, gaanung hirap at sakit yun na dadalhin nya sa dibdib nya na hindi man lang nya nakita ag namayapa nyang magulang at kapatid.n
Parang kabilang classroom ang kumpanyang napasukan ko "IBANG KLASE" kaya lagi kong panalangin huwag sana mangyari yun sakin kasi baka sa sobrang gulo ng isip ko baka kung anu pa magawa ko. Pero sa totoo lang kung ikaw ang may ari iisipin mo ba na may problema ka, iisipin mo ba kung tama ba ang trato mo sa mga tao, kasi madami ang umaalis at di na nag re renew ng kontrata. May isang sinibak d2 Marso pa kailan lang pi nauwi kasi merong pinautang na di pa nasisingil kasi Tindero cya at ang mga nabenta nya puro pautang, aba tinanggalan ng allowance pero nag ta trabaho pa sa at ayaw pauwiin dahil may pautang pa daw, pinapag trabaho pero di binigyan ng sueldo kahit yung local na sueldo nya inalis, isipin mo paano kakain yung tao, ni pambili ng sigarilyo nya uutangin nya pa, tsaka yung torture sa isip nya.
Ganito pala kahirap mag abroad, kaya lagi kong naiisip yung biyenan ko at tatay ko nung panahong nag abroad sila, ang hirap pala, napaka hirap buti na lang talaga may Diyos ako na laging tumutulong sakin nag bibigay ng lakas, umaalalay at laging naka agapay sa lahat ng sandali dahil kung wala hay ewan ko lang kung asan na ako ngayun.
Nakaka miss ang pinas, dun pag may problema meron kang puedeng takbuhang kapilya para dun manalangin, o kaya kung gusto mo kumain sa labas puede d2 hindi eh, d2 limitado galaw bahay opis, opis bahay lang kasi delikado sa gabi d2, uso kidnapan tapos papatubos ng 50 milyun sa employer.
Ang pasok namin lunes hanggan Sabado, yung iba kahit linggo pinapapsok tapos wala naman bayad.
Pero di bale malapit na matapos kontrata ko, sa awa at tulong ng Diyos makaka raos din ako d2, pero bago matapos kontarta ko tapusin ko na muna tong sulat ko at matutulog na ako.
Bye
I'm back............ (",)
Comments
Post a Comment