May sasagot dyan bakasyun ng 4 na araw hahahahahaha.
Yung isa Si Manang naging Santa hehehehehe
Pero ang isang mas magandang dapat itanong eh Äno ba ang kahulugan ng Semana Santa at Äno ang kabuluhan nito sa buhay ng tao lalu na sa Katoliko na cyang nag pa uso nito. Bakit ba ginugunita ito ng halos lahat ng Katoliko sa buong mundo. Iyun kasi yung nakikita kong hindi naisasalin ng mga magulang sa kanilang mga anak, yung halaga o values ng Semana Santa. Although ginugunita ito ng mga tao pero parang wala lang, dumaan lang cya, masabi lang na naki join cya. Yung iba ang gagawin bisita iglesia, pupunta sa 13 simbahan parang panata tapos ok na.
Yung iba dahil sa technology ngayun sa FB na lang mag po post ng mga kung anu anong message from ewan and share some photos or pictures related daw sa "paghihirap ni Kristo"para gunitain ang Semana Santa. (Palagay ko nakita nyo to sa FB pero pati kayo pakiramdam nyo OK lang).
Ganun na lang natin cya ginugunita ngayun, na akala tuloy ng mga bagong sibol na kabataan eh ganyan na lang talaga cya kasimple, sabagay hindi natin sila masisi kasi baka ganun din ang naging pagtrato ng mga magulang nila sa Semana Santa. Pero subukan nyong balikan at gunitain kung ganyan nga natin ginugunita yang panahon na yan noung kabataan natin. (Ang isisi share ko base sa alam ko at napansin ko noung bata pa ako, REMEMBER hindi pa natin pinag uusapan kung tama ba o mali ang ginagawang pag gunita o pagdaraos ng Semana Santa, naaayon ba to sa Kasulatan o Biblia).
Pagdating ng ganitong panahon tuwing biyernes hindi kami kumakain ng karne (baka, baboy, manok, hotdog lahat ng pagkaing karne) kaya tuloy pag ulam ay munggo naaalala ko at naitatanong ko minsan Friday ba.
Binabawasan namin o hindi namin ginagawa ang mga bagay na hindi kailangan, halimbawa naglalaro kami mag hapon, pag ganitong panahon nag lalaro pa din kami pero hapon na lang hindi na MAG hapon, heheheheheheeh, gets mo.
Nagrorosaryo kami ng 15 mysteries na naka luhod, (isipin mo naka luhod tapos 15 mysteries gaano katagal yun? napakasakit sa tuhod nun)
Regular naman kami nag sisimba pero ang Nanay ko laging may extrang simba yun.
Noung medyo lumaki na at nabarkada na walang tambay pag Friday (kasi pati sila katoliko at ino observe ang ganitong panahon), nangingilin eka nga ng iba.
Tapos pag dating ng Friday bago mag 3pm kailangan nakapaligo kn kasi ang paniniwala bawal na ang ligo, patay na daw ang tubig....kasi patay na daw si Cristo.
Nag vi vigil kami sa simbahan binabantayan namin yung naka higang rebulto, (baka daw kasi bumangon at umalis ng walang paalam)
Meron ding Pasyun na maririnig mo kung saan saan halos bawat kanto may nag pa pasyon, kaya minsan di mo na maintindihan kasi nag sasalimbayan na sila at sabay sabay kasi yung iba may PAS pa para dinig ng marami. 1 week to na puro kainan walang patid kasi yun eh titigil lang pag biyernes na.
Merong Senakulo at Salubong at Penitensya.
Ang pinaka importante d2 ay ang pagsisisi ng kasalanan at pangungumpisal sa Pari, hehehehehehehe. Sasabihin mo sa kanila kasalanan mo kasi sila daw tagapagtago pero pag nalipat sila ng Parokya ise share sa mga parikyano nya thru JOKE hehehehehehe oh diba! (yung iba lang naman hindi lahat).
Now tanungin mo nga ulit ang sarili mo at tingnan mo ang anak mo o kahit sa paligid na lang, nangyayari pa ba yung mga ito?, ginagawa paba ito ng mga Katoliko ngayun?, at kung may gumagawa nito TAMA pa ba o salig pa ba sa aral na itinuro ng mga Katoliko nuon. (Although hindi ko sinasabing tama itong pag gunita nila). Pero db sayang yung essence, sayang yung values. Dati sa ganitong panahon kahit yung PUSAKAL na Kriminal may takot pag dating ng ganitong panahon eh, kaya nga may negpepenitensya sa kalye, wala halos krimen sa ganyang panahon as in pati sila TAKOT gumawa ng kasalanan sa ganitong panahon. Saka na sila ulit mag nanakaw, manghoholdap pag tapos ng Semana Santa o kaya paglagpas ng Mahal na Araw.
Ngayun nangyayare pa rin naman ang ZERO krimen, tuwing kelan to nangyayari cge nga cge nga kung alam mo ang history mo. SIRIT na po kau. "Tuwing laban ni MANNY PACQUIAO" isipin mo yung laban ni manny tinalo na yung mahal na araw, kasi tuwing laban ni manny halos lahat ng tao sa pinas nanunuod wala halos tao sa kalye nasa bahay sila o kaya nasa sinehan at duon nanonoud, kaya pati mga mag nanakaw nasa bahay din at nanonoud (di lang natin alam kung sa bahay nga nila yun nanonoud o baka sa bahay ng ninanakawan nila, pati mandurokot, holdaper wala sa kalye) hahahahahahahaha, onli in the pilipines.
Naaalala ko nga nuon pag Good Friday walang katao tao sa beach o sa resort, halos mga INC lang ang mga tao dun dahil di namin ginugunita ang semana santa (Inuupat pa nga kami eh, mga Hudyo daw kami kasi Biyernes Santo naliligo kami eh patay daw ang diyos ng panahon na yun)> Pero ngayun pumunta ka, subukan mo lang silipin ang mga beach at resort , mula biyernes hanggang linngo walang patid ang buhos ng tao pero hindi lang mga INC ang laman halos mga Katoliko na na may mga dalang alak, pulutan, sounds, mojack, yosi. Tapos tanungin mo sila diba Biyernes Santo o Mahal na araw ngayun bakit nand2 kau di ba dapat nasa simbahan nyo kayo. Sasagutin ka ng di na uso yun! eto na ang IN ngayun d2 na sini celebrate ang mahal na araw, eto na ang paggunita nyan ngayun sabay tungga ng alak at hithit ng yosi.
Tanong ko lang IKAW bilang Katoliko paano mo inaalala o ginaganap ang tinatawag mong MAHAL na ARAW o Semana Santa?
Paano mo cya gustong isalin o ituro sa sa Anak mo para gunitain ang ganitong panahon na pinaniniwalalng nyong panahon ng pag hihirap ni Kristo. Panahon ng pagtubos ng mga kasalanan ng Tao sa sanlibutan na cyang naging daan para maka balik ang tao sa pagkakahiwaly nya sa Diyos.
Ito pa rin ba ang pinaniniwalaan mong kahulugan ng Mahal na Araw o katulad ka na rin nila na dumaan lang at lumipas ang ganitong panahon ng WALA LANG.
Hnaggang sa muli ka KKKK
Godbless
Au RevoiR
Comments
Post a Comment