27th Week in Nigeria (Recognition Week)

Ang bilis talaga ng panahon, para na cyang hinihipan ng hangin, talagang nag mamadali na cya patungo sa dapat nyang puntahan.

Naka chat ko yung anak kong bunso noung nakaraang lingo at sinabing malapit na ang recognition nila, nalungkot ako bigla kasi wala ako sa momentous event nay un. Hindi sa pagyayabang mula ng mag aral ang mga anak ko lagi kaming umaakyat ng stage na mag asawa para magsabit ng medalya sa kanila. Dumating nga yung puntong nag tuturuan na kami kung sino aakyat sa stage kasi minsan sa isang anak 2 o 3 beses ako o cya aakyat kasi lagi silang best sa math, sa English, sa ganitong subject sa ganung asignatura. Nakakatuwa at malaking kagalakan palagi ang nadarama naming mag asawa kasi fulfilment para samin, sukli yun ng lahat ng paghihirap naming mag asawa sa kanila at yun kahayagan ng maayos na pagpapalaki sa kanila at kahayagan ng tulong ng Dakilang Lumikha.

Yung bunso ko medyo may sumpong sa pag aaral yun last year parang di yata cya kasama sa honor roll pero dahil grade 1 pa lang kaya ok lang, ang ginawa ko kahit di cya kasama sa recognition ay isinama ko cya sa school para makita nya at ipinakita ko sa kanya kung gaano kami kasaya na umaakyat ng stage para magsabit ng medalya sa mga kuya nya.

Tuwing matatapos ako o si Misis magsabit sasabihin ko ang galing nila kuya ano, alam mo masaya ako kasi nasabitan sila ng medalya pero alam mo mas Masaya ako kung ikaw ang sasabitan ko ng medalya hindi nya pansin ginigising ko ang damdamin nya ipina aalam ko sa kanya na sa ganong bagay kami nasisiyahan, sabay tanong sa kanya next year ba kasama ka na sa sasabitan?. sinu gusto mo mag sabit ng medalya sayo, ang sagot nya ikaw po Daddy, Talaga! next year sasabitan ka ng medalya at ako ang gusto mo magsabit sayo WOW very good ang galing naman ng baby ko. Ang di nya napansin nag commit na cya sakin so ng magsimula cya ng Grade 2 ipinapa alala ko lang sa kanya lalu na pag may exam sila, dahil nasa pinas pa ako lagi ko cya sinasabihan, minsan nga pag uwi ko galing sa work tinanong ko kung gawa na ang assignment sagot ba naman sakin eh, si Daddy ang kulit diba nga po ang bilin mo sakin ay huwag ako lalabas ng bahay hanggat hindi tapos ang assignment ko kaya ginawa ko nap o yun kanina. Di nya ngayun napansin naging habit nya na pag aaral at pag gawa ng homework. Nahubog sila sa ganun kaya hindi na sila sasabihan automatic na yun sa kanilang lahat.

Kaya nung bangitin nya kasama cya sa top 10 natuwa ako pero mas nalungkot ako kasi kaya cya nagsikap dahil sa pag asang ako ang magsasabit sa kanya ng medalya pero di ko nagawa kasi nga pumunta ako d2 sa Nigeria. Ang isa pang maganda nito nung 1st grading di sya pumasok sa top 10 pang eleven yata cya o twelve, pero second grading top 9, tapos 3rd grading 7 den 4th grading 7th placer cya. Sabi ko sa kanya ang galing galing mo naman dati nasa eleven ka den sa 9th ka tapos napunta ka sa 7th 2 step lagi ang angat mo so sa pag grade 3 mo pang 5th kana nyan den pang 3rd and then 1st, ang sagot ba naman sa akin eh paano ako mag ta top 1 eh wala ka, kung nand2 ka at ikaw mag sasabit sakin ng medalya kaya ko yun kung nandito ka kasi sabi mo sa akin dati ikaw mag sasabit sakin pag nasama ako sa Top pero wala ka naman sa Recognition Day namin.  Parang naisahan ako dun ah natandaan nya ang usapan namin tinupad nya ang pangako nya sakin pero ako di ko natupad pangako ko sa kanya na ako magsasabit sa kanya ng medalya. Sa murang isipan nya yung comprehension nya at reasoning nya maganda na at valid pero kailangang ituwid o itama kasi meron mali kung makaka lakhan nya yung ganong kaisipan, kaya ang ginawa ko hinamon ko cya pero nag sorry muna ako at ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan saka ko sinabing cge next year promis ko sau ako ang magsasabit sau ng Medalya pag top one mo, ayaw nya maniwala kasi nga daw iyun din sinabi ko last year pero sabi ko sa kanya promis yun AKO ang magsasabit sau kasi ang hindi nya alam next year kahit anong mangyari kailangan kong umuwi kasi gagradweyt ang 2 kong anak isa sa haiskul at isa sa elementary kaya talagang uuwi ako nun, so iyun ang idi deal ko sa kanya sa Pag uwi ko sa July, hehehehehehehe akala nya maiisahan nya ako eh sakin lang kaya cya kumuha ng reasoning ako pa eh kung dahilang lang di ako mauubusan nun. Tinanong nga ako ng kasmahan ko d2 kung kanino nagmana mga anak ko kasi nabanggit ko na kasma sila sa top na sasabitan ng medalya wala akong kagatol gatol na sumagot syempre sa Mommy, hahahahahahahahahaha sabay tawanan kami lahat. Eh totoo naman na sa misis ko sila kumuha ng talino eh eh kung dib a naman matalino misis ko akalain mong ako ang pinili nyang pakasalan hahahahahahahahahaha. Akala nyo wala akong pambawi ah, sabi ko sa inyo kung reasoning lang madami ako nyan hehehehehe.

Sa 29 nga pala Birthday ng Kuya ko, yung panganay naming Lalaki yung pinaka mabait at pinaka matulungin naming kapatid “happy happy birthday po” nasa US cya naka base dun cya nag tapos at nag si serve. KUYA Maligayang Bati sau, pagpapalain ka lagi ng Ama at biyayain ng mabuting kalusugan at mahabang buhay para maka pag patuloy ka pa sa pag lilingkod sa Kanya.

Para naman sa ikaliligaya ko ng lubos at sapat kasamang kalakip n2 ang mga pictures ng nasabing okasyun, pag pacencyahan nyo na lang at kainggitan hahahahahahaha. Tsek nyo rin yung pinaka dulong photo sabi nga eh RESERVE THE BEST FOR LAST............

PANIS!!!!!!!!!!!
   

Ingat po kau lagi, hanggang sa muli mga ka KKKKK..



God Bless











Comments