26th Week in Nigeria

26th Week in Nigeria.

6 months na ako d2, akala ko fully adjusted na ako d2 pero hindi pala, kasi nag kasakit ako ulit na unusual kasi madalang akong mag kasakit nung nasa pinas ako, siguro once a year o baka hindi nga at kung nag kakasakit man ako eh yung malapit na sa kaarawan ko. Eh d2 nakaka anim pa lang ako 2 times na akong nag kassakit. Yung una eh Malariaetong pangalawa di na ako nag punta sa Dr. kasi cgurado malaria ulit yung diagnosis sakin, kasi d2 nga po sakit ng tiyan malaria, sakit ng ipin malaria, sakit ng ulo malaria. Walang alam ang ng doktoy d2 kundi Malaria, lahat ng lokal na doktoy d2 eh iyun ang espesyalisasyun.

Pero naisip ko rin siguro kaya ako nagkasakit kasi malapit na Birthday ko d2, ay anibersaryo pala, sa 23 ika anim na buwan ko d2. Ngayun mabilis na sa akin ang panahon as in para cyang hinihipan ng hangin sa bilis bukas makalawa eh tapos na ang kontrata ko d2 at naka 3 taon na pala ako d2.

Akalain mo 26 weeks na ako d2 meaning 130 weeks na lang ang bubunuin ko at di ko namamalayan eh nakaka 130 weks na pala ako at 26 weeks na lang ang bubunuin ko, naks palakas loob akala mo mabubuno pa yung natitira, hehehehehehe.

Pero ang mahirap kasi d2 ay ang ipagpalit mo yung lahat ng naka sanayan mo dyan sa pinas at biglang pagpunta ko d2 ibang iba as in di ko maubos maisip kung paano ako naka lagpas sa mga iyun. Hindi 360 ang pagbabago kundi 720 degrees sample lang eh dyan ang usapan tagalog d2 english saan ka pa nun lahat ng kausap mo d2 puro english eh hindi naman ako sanay dun, mabuti na lang at marunong ako ng japlish (japanese english), paano yun halimbawa may gusto akong ituro sasabihin ko sa kanila this one ok, pag sumagot sila ng ok eh di ayos na nag kaintindihan na kami ng kausap ko wala ng paligoy ligoy direct to the point agad para di mahirap magsalita, at tsaka d2 aplikable na yung less talk less ( ), akala nyo less mistakes ano mali po kau less talk less english hahahahahahahaha.

Marami kang babaguhin d2 kailangan mo mag adjust kasi di mo naman sila kilala ako nga eh ang lakas ng boses ko akala ng mga kausap ko galit ako o kaya akala ko bingi sila kaya malakas ang boses ko pero pagdating ko d2 aba eh yung normal na usapan d2 wala pa sa kalahati ang lakas ng boses ko at kung mag usap sila nag sisigawan talaga akala mo nag aaway lagi. Kaya mga tao d2 akala mo lahat bingi kasi kung mag usap nag sisigawan see what i mean.

Marso na at matatapos na ang buwan, ganitong panahon nagdadaos ng sta. cena sa buong mundo ang lahat ng lokal ng INC. Nakaka lungkot kasi dahil mula ng maging kaanib ako hindi ako pumalya sa pag tupad na kahit halos ikamatay sa galit ng dati kong boss dahil umuwi ako dahil sa pagtupad ni minsan hindi ako sumala sa panata, pero ngayun dahil sa trabaho HINDI ako makaka tupad at ang pinaka masakit pa nito ay hindi ako makakasalo sa dulang. Napaka sakit sa inasng INC na ang isa sa pinaka mahalagang okasyun eh hindi nya madaluhan hindi cya makapag sta. cena. Kasi d2 sa pagkakataong ito d2 naghuhulom sa Iglesia, lahat ng karapatdapat nananatili at yung mga hindi nakapaghanda naaalis, ito ang paglilinis sa INC, lahat kami na kaanib naniniwala na Diyos ang nag aalis ng hindi karapatdapat although wala naman talagng karapatdapat sa harapan ng AMA, lahat eh pinapaging dapat nya lang para maka tugon sa pamanatayang hinahanap nya sa mga hinirang nya. Hindi to mauunawaan ng hindi kaanib pero sa mga kaanib alam nila to at alam na alam nila ang tinutukoy ko. Pero sa lenguaheng popular eto ang mahal na araw sa katoliko, diba nga may kasabihan na kahit pusakal sa panahon ng pangingiling ay nagtitika at yung iba nga nag susugat pa at nag papapako sa krus sa paniniwalang sa ganung paraan ay maiibsan o mababawasan ang kasalanan nila.

Ako dalangin ko lang lagi matapos ko ang kontrata ko ng maayos, at pagka tapos nito sana wala ng balikan. Kaya ko yung hirap eh pero yung di ako maka tupad at maka dalo sa mahahalagang okasyun ng INC, iyun ang masyadong mahirap sakin. Cencya kanya kanya kasi ng pag tanawa yan at pananampalataya.

Ingat po lagi.


God Bless

Comments