25th Week in Nigeria

Its my 25th week and counting.

Today as of this writtng nasa haws ako at mag isa lang dahil yung mga kasama kong pinoy pumalaot, nag yachting sila, pupunta sila resort ng amo namin, yung may ari ng kumpanya using his boat and yung yate ng isang africano. Ipinagamit yung resort nya sa amin at mind you ha, sagot lahat ng gastos sa fud. hahahahahaha, masarap sana sumama kaso mas may importante akong appointment, importante yun sa lahat ng importante (para sakin ha).

All pinoys are invited pero ako I opted not to join kasi di ako makaka SAMBA kung sasama ako sa kanila (Sunday kaya ngayon at dahil linngo ngayun mas importatnte sakin na magpasalamat at sumamba bago ang lahat), puede naman sana ako sumunod kaso umuwi na lang ako sa flat namin para maka pahinga at maka paglaba na rin, hehehehehehehe. Meron namin sana kami taga laba kaso i do not like the way they wash our clothes, kasi una mabaho yung laba, pangalawa mukhang di nalalabhan maiigi eh kasi nakikita ko at naamoy ang laba which is di ko nagugustuhan.


Mainit d2 now as in parang nasa 37 o higit pa, nakaka paso sa balat baka pag sumama ako sa beach eh di na ako tawaging White Man, hahahahahahaha, sayang naman kung mawawala yung bansag na yun. Na appreciate ng md namin ang effort ng pinoy d2 at parang pabuya na rin samin, pero ang nag iniitiate nun eh yung puting apricano, (puti talaga yun ha as in puting puti), may yate kasi cya tapos inimbitahan kami mga 2 weeks ago na kung gusto daw naming sumama, kinausap yung amo naming noypi at tinanong kami so samaha lahat, tapos iniinform yung bosing namin nag alok na dun na daw sa resort nya tumuloy tapos nag hatag ng pera pambili ng fud at kung ano ano pa, see nag aani na ng maganda yung magandang performance namin d2, unti unti yung kumpyancya ng may ari nasa noypi na kinakabahan na tuloy yung mga pana, hahahahahahaha.

Although marami ng pagbabago at magagandang nagawa d2 pero marami pang dapat ayusin at palagay ko eh matagal tagal na laban toh, at di mauubos ang gagawing improvements. Ganyan naman talaga eh pag nag improve maintain den improve den maintain, di ba parang hagdanan na tuloy tuloy pag akyat para maabot yung target na pag babago at pag aayos.

Yung isang pinoy d2 pinuri ng amo namin dahil yung utang naibaba nya sa mahigit kalahating porsyento, akalain mong yung utang na halos 3 years ng di nababayaran o binabayaran eh pag upo nya nag sipag bayad dahil sa kulit nyang maningil kaya ayun yung halos 650M eh halos 200M na lang sa loob ng 5 buwan. Saan ka pa nun eh di sa PINOY na. Yung isa naman eh nag lalabas na ng P/L at B/S (balance sheet ha, hindi bull shit), yung isa naman fund management at yung boss naming noypi unti unti nakaka hinga na kasi dati talagang punong puno cya at halos di maka hinga sa dami ng work. Ako napuri din pero di ko na ielaborate masyado naka sabihin nyo eh nag bubuhat ako ng banko pero in total lahat kami very good kaya bilang pabuya ayun boating yachting sila now.

Medyo nakakalungkot lang ng konti dahil yung ooc na naging dahilan ng pag alis ko last time, "remember" nag paalam na akong uuwi dahil sa pag po post nya ng di maganda sa FB ko (kaya ako nakilala ng husto ng boss ko kasi pinigil nya ako eh, importante daw ako sa kumpanya hahahahahahahahahaha) ayun po di na nag renew o ni renew, pina uwi na or umuwi na sa bansa nya. Madami kasing nangyari simula nung mang yari sakin yun eh, sinundan ng 2 pag papaalam ng dahil daw sa kanya, tapos nag aklas yung manggagawa dahil sa pag sibak nya ng mga lider ng unyon kaya ayun po nag bunga ng hindi maganda sa kanya, bukod pa sa may mag nawalang benta dahil sa pag aaklas mga 200M daw eh at yung mga sumabit na audit etc, etc. In the end head rolls and evrything is back to normal. Ganyan talaga ang buhay minsan you win minsan you loose pera ang importatnte huwag mag quit kasi when u quit your defeated for ever. (meron kaya akong post sa FB ko nun). nag usap naman kami bago cya umalis at nag pasalamat din ako dahil kahit paano cya kaya dahilan ng mga kalbaryo ko d2 hehehehehehehehe. Pero kidding aside cya kasi nag interbyu sakin at nag hire yun nga lang nabarat ako pero oks na rin kasi nakapag work ako d2 at additional feather to my cap ekah nga!.

Nag stop ako for a while sa pag susulat kasi nag laba ako at nag luto ng fud ko, nakakain na ako at nakapaglaba, nanonood na nga ako ng TV ng dumating ang mga kasama kong noypi. D2 sa itaas sa flat na tinutuluyan ko merong 3 bedrooms with cr at common ang kitchen, living room, dining room (next time mag po post ako ng photo medyo iniisip ko lang maigi kasi baka maintindihan nila to eh sumabit si kaka), I asked them at okey naman daw nangyari walang hassle walang badtrip at hinahanap daw ako ng aprikano, yung aprikano kc naging kaibigan ko na rin at medyo masasabi kong palagay cya sakin at ako naman eh palagay din sa kanya, pero sabi ko nga sa umpisa i have priorites in life at i don’t care HONESTLY kung anu iisipin nila sa hindi ko pagsama paki ko sa kanila sabi nga ng iba, kasi ako simple lang naman panuntunan ko sa buhay eh, nasa akin pag papalano nasa Diyos ang pagtatagumpay. Okey naman kami d2 kahit merong bumabangon na sigalot eh naayos din naman tsak expected naman yun iyun ngang mag kakapatid nag aaway, nag tatalo talo kami pa na di mag kakakilala eh iisa lang naman common frien naming d2 yung boss naming noypi pero everything naman is manageable at controllable nya.

May pinaplano ako kung naka subaybay ka sa blog ko nato eh merong isang malaking pangyayaring magaganap d2 sa pag e stay ko d2 sa Nigeria kasi nga yung produkto ng dati kong pinapasukan eh gusto ko madala d2 dahil alam ko na makaka tulong to na maka bawas sa insidente ng Malaria d2, gusto ko sana ialok sa amo ko now pero i opted not kasi baka di maging maganda pag uusap naming tsaka mahirap na, alam mo naman  di natin basa isipan nila, basta ako lagi lang ako nana nangan sa paniniwala ko na sa akin ang pagpaplano na Kanya ang pagtatagumpay.

Mabuti naman hangarin ko sana lang patnubayan ng AMA at papagtagumpayin nya.

Pinaka huli gusto ko lang i share sa inyo at ipagpasalamat ang nangyayari d2 sa blog ko actually medyo pressure cya in a sense na , ah bahala na nga kau humusga o tumaya kung bakit (di pa kasama dyan yung viewership ko ha). Basta ako wala namang gustong maabot d2 pero gusto ko lang mag pasalamat sa inyo na sumusubaybay at nag babasa ng blog ko, kahit minsan korni o kaya nakaka asar o kaya nakaka bwiset o sabihin na nating MAYABANG ang dating “SALAMAT PO” talaga sa inyo....................







Comments