Nag 5 months na ako d2 sa Nigeria and to think parang kelan lang eh binibilang ko ang minuto, oras, araw, lingo, pero ngayun halos di ko na napapansin lingo na pala ulit at nakaka limang buwan na ako d2 at naka 23 linggo na ako. Akalain mo kaya mo yun.
Maraming Salamat Po
God Bless us ALL.
Medyo maaksyun ang nag daang lingo ko d2 kasi sinimulan kami ng welga, noung naka raang sabado.Nag kagulo dahil sa pag kakasibak dun sa mga miyembro ng unyon dahil sa nag daang pag wewelga nila pagkatapos ng welgang bayan. Bago kasi etong welga nato nagkaroon ng welgang bayan dahil sa langis mula Enero 9 til 16. Tapos pagbalik nila merong nag aklas d2 samin na tumagal ng 2 araw yata na nasa loob lang sila ng compound pero hindi gumagawa dahil daw dun sa increase na hindi daw ibinibigay mula oktubre ng nagdaang taon. Sa madalit sabi ibinigay yun, kaso noung naka raang Sabado sinibak yung kulang kulang sitenta katao na sumama sa nag daang welga dahil sa increase na di maibigay. Sinabayan ng may namatay na empleyado 2 babae yata. Yung isa binangungot yung isa nag collapse sa planta at sa ospital binawian ng buhay. Sabay nagtanggalan ng mga tao kaya ang resulta ayun nag aklas ang mga tao, nag piket at ayaw mag trabaho.
Lunes ng umaga ang dahilan dahil sa 2 namatay maya maya dumating yung mga tinanggal para kumuha ng pang huling bayad nila, nalaman ngayun ng mga tao na sinibak yung iba kasamahan nila nag labasan na at dina pumasok sa trabaho nanduon lang sa compound . Kinabukasan Martes nanundo pa ng mga tao sa kabilang planta at isinara nila yung ika 2 planta at isinama yung mga tao dun para doon mag piket sa 1 planta. Yung plant 1 kasi ang h.o nandun yung service group. Walang gustong kumausap sa mga welgista kasi walang lider eh kasama sa nasibak kaya ayun inabot ng ikatlong araw.
Eto na noung Miyerkules nang haharass na sila pinapasok kami pero dina kami pinapa labas at yung mga empleyadong papasok hinaharang na nila medyo mataas na ang tensyun, madami ng mga pulis (os corse bayad naming yun noh mula day 1) mga walong mobil sila 24 katao, yung mga nasa labas nag gawa ng placard (ibalik ang sinabak na pangulo ng unyun) tapos kami sa loob ng opisina wala lang nakikisilip lang at yung mga tao sa labas nag simula ng manira ng gamit yung mga sasakyan na naka parada sinira ang side mirror at pinlat yung mga gulong kasama yung sasakyan ng mga kapwa ko pinoy, pati yung cover ng gulong di pinatawad at mukhang pinag sisipa yung sasakyan kasi may mga dent sa gilid. Yung sasakyan ng mga pinoy ang pinaka bago sa lahat ng sasakyan d2 kasi bago nga kami d2 sa oblo eh.
Ako naman alumpihit kasi kailangan kong lumabas dahil meron akong dapat na ilabas na molde sa adwana mag a apat na buwan na kasi dun di pa namin makuha dahil sa sobrang dami ng excuses ng kapartner ng shipping lines. Kesyo nawala daw dokumento at inantay pa nila yung bagong padala, kesyo natabunan yung container naming kesyo kesyo ahhhhhhh daming dahilan. Biyernes pa naka pila yung truck dahil pangako ng ahente sabado idedeliber samin, hindi nila naideliver kasi daw walang pasok pag Sabado, so Lunes na lang daw ulit tapos naging Martes eh yung pinaka boss naming lahat asar na sa akin puro daw ako pangako, eh gusto ko ngang sabihin alangan naming mag imbento ako eh iyun ang sinasabi sakin ng ahente.
Ako naman alumpihit kasi kailangan kong lumabas dahil meron akong dapat na ilabas na molde sa adwana mag a apat na buwan na kasi dun di pa namin makuha dahil sa sobrang dami ng excuses ng kapartner ng shipping lines. Kesyo nawala daw dokumento at inantay pa nila yung bagong padala, kesyo natabunan yung container naming kesyo kesyo ahhhhhhh daming dahilan. Biyernes pa naka pila yung truck dahil pangako ng ahente sabado idedeliber samin, hindi nila naideliver kasi daw walang pasok pag Sabado, so Lunes na lang daw ulit tapos naging Martes eh yung pinaka boss naming lahat asar na sa akin puro daw ako pangako, eh gusto ko ngang sabihin alangan naming mag imbento ako eh iyun ang sinasabi sakin ng ahente.
Sa madali’t sabi pini pressure ako bakit daw di ako lumabas eh yung ibang pana naka labas noung Martes, at sabi ko daw aayusin ko noung Martes nasayang daw mag hapon nasa opis lang daw ako, para namang pag nasa opis ako naka pahinga ako dami ko kayang ginagawa.
Kaya kinabukasan (Miyerkules) kahit kasagsagan ng welga nila lumabas ako, kinausap ko yung pinaka bosing ng mga pulis at sinabi ko kailangan ko lumabas at kailangan ko ng escort service (hindi eto yung nababasa nyo sa dyaryo na escort service na mga babae ha), so ines kortan ako ng pulis pag labas ko at hinanap ko yung driver ko sabi ko aalis kami, aba biglang nag suguran ang mga welgista gusto ako upakan at yung driver ko, sabi sakin nung isang kilala ako, bosing pumasok kn sa oblo kasi gugulpihin nila ang driver mo, 2 driver kanina d2 na nag hatid ng PANA inupakan, sabi ko ah ganun ba, pasok ulit ako sa loob kasi baka nga saktan yung driver ko eh matanda na driver ko tapos masasaktan pa dahil sakin, kaya pumasok ako tapos tinawagan ko cya sabi ko kunin yung sasakyan tapos hintayin ako sa lugar na sinabi ko tawagan nya ako pag nandun na cya at lalabas ako at pupuntahan ko cya dun.
Kinausap ko ulit yung pinaka hepe nila at sabi ko kailangan ko ng escort na pulis sasakay ako ng 3ckel at samahan ako dun kung nasaan yung driver ko, lumabas kami ulit lahat ng madaanan ko binabati ko sabi ko pasencya na makiki raan po. Nakarating kami dun sa lugar inabutan ko ng limamdaan yung pulis at dalawang daan para pamasahe naming 2, akalain mo bang isang daan lang yung ibinayad sa driver at ibinulsa yung anim na raan. Nakalimutan ko at nag kamali ako ng abot, yung limandaan kasi tip nya yun yung 2 daan pamasahe eh di nga pala nag babayad ang mga pulis pag sumasakay ng sasakyan (naalala ko bigla yung mga kalahi nila dyan satin, dina nga nagbabayad nanghihingi pa ng sukli, hahahahahahaha) pero isa ang napatunayan ko pag pulis pala iisa ang lahi at kulay nila di sila talaga nag babayad sa sasakyan magkakapatid sila sa pang gugulang hahahahahahaha.
Nakarating nako sa adwana at nakita ko yung molde namin, ako naman dahil 1st time ko naka pasok sa terminal nay un kumuha ako ng mga pictures bukod dun cyempre sa molde naming na wala na sa kaha as in nasira o sinira cya ng mga nag labas sa container, akala yata may makukulimbat. Kuha d2 kuha doon ang ginawa ko pati mga malalaking crane na bumubuhat ng 40ft container kinunan ko, eto na ang siste akalain mo bawal pala kumuha ng pictures sa oblo, bawal mag dala ng camera at eto pinaka matinding sinabi sakin ng kolektong officer bawal daw ang white man sa loob, uulitin ko sasamahan ko ng diin bawal daw ang “WHITE MAN” sa loob. Akalain mo tinawag akong puting tao hahahahahahahahahahahaha, isipin mo itong maiigi maputi ako d2, as in MAPUTI ako sa kanila hahahahahahahahahahaha (alleluja). Dinala ako sa opisina inenterogate ako , sinabihan na mali daw ginawa ko dahil bawal daw yun sa maritime law nila at sabay sabing alam mo bang yung pagkakamali mo ay very expensive mistake sabay ulit Its a very expensive mistake naiintindiahn mo ba ako, binubulas o binu bully ako nung nag mamagaling na lalaki, tinatakot ako hinanapan pa ako ng papeles at tinanong kung gaano na ako katagal d2, sabi ko 5 buwan at pasencya na kayo tao lang nag kakamali, hindi ko alam yung batas nya na bawal pala ang camera sa loob at bawal ang WHITE MAN d2 sa adwana nyo (mangani ngani ko ng pilosopohin eh asan yung sinage nyo na bawal ang puti d2 asan naka lagay na bawal ang camera d2, nagpigil lang ako eh pero muntik ko cyang sagutin eh). Yung 2 tao kasama nya pinatawad na ako pero yung humuli sakin ayaw, dinala ako sa GM ng adwana ganun din sinabi ko at pinatawad ako, ayaw pa rin di nakontento si kulokoy dinala ako sa custong pulis ganun din sinabi ko at humingi ako ng sorry, pinatawad ako ulit di parin nasiyahn si KuleT (gusto talagang kumita sakin eh), dinala ako sa MD ng adwana ganun ulit sinabi ko humingi ako ng tawad at sabi ko idedelete ko ang mga kuha ko maliban dun sa molde kasi i ki claim ko sa insurance kung sakaling may sira, pinatawad ulit ako walang nahuthut sakin yung colektong officer sinamsam pa camera ko sa harap ng MD pero ibinalik din pero sa totoo lang kung nag bigay ako nung una palang tapos na kwento eh pero di ako nag hatag ni isang kusing sabi nga natin di dyan di cya naka tikim sakin ng kahit singkong duling hehehehehehehe at ang maganda pa bawat pasok ko sa opisina nag aabot ako ng calling card ko sabay hingi ng calling card nila so dumami pa tuloy kakilala ko hehehehehehehe, akalain mo nakapitalise ko pa yung sitwasyun, pumabor pa sa akin yung pagkakataon at yung molde na hindi mailabas labas ng ahente ko pag dating ko dun parang nag dahilan lang yung operator ng crane na ayaw ikarga yung molde ko dahil dapat daw forklift ang magsasakay nun dahil di nya trabaho yun kinausap ko at kinaibigan ko at sabay sabing bilib ako sa mga operator nyang mamalking sasakyang ganyan sana ako din matuto nyan aba nagyabang sa akin so pina kinggan ko naman pagkatapos mag kwento sabay sabi ko brother baka puede mo akong tulungan ayun yung molde ko apat na buwan na d2 at yung truck ko simula pa ng biyernes naka pila d2 tulungan mo naman ako at ang sabi sakin isusunod ko yan pag katapos ko d2 sa container, hahahahahahahaha akalain mo isinakay ni pogi yung molde ko sa truck pagkatapos nya ilapag yung container dun sa 1 truck, pati yung mga tao tinalian ng kadena yung molde at inalalayan para di bumagsak na dati daw ayaw daw itali yung molde at ayaw ng driver na asikasuhin yung molde at antayin daw yung forklift na uupahan para cyang mag buhat ng molde, kaya bilang gantimpala inabutan ko sila dun ako nag hatag sa mga tao hindi dun sa mayabang pa sa akin na sira ulong colektong officer daw cya, at yung Boss ko tuwang tuwa dahil nailabas ko yung molde sabi sakin nung pana at nung ahente ang galing ko daw hahahahaha sabi ko sa kanila eh bago ako pumunta d2 nanalangin ako, humihingi ako ng tulong na bigyan ako ng galing pahiramin ng talino para maayos ko lahat ng dapat kong ayusin so iyun ang ibingay sakin ng Diyos talino at husay para magampanan ko ang trabaho ko. Ilalagay ko lang ulit yung ipinost ko last week para ipaalala.
Today, focus on the fact that He is with you. Remember that He is walking with you and guiding you to a place of peace and victory. No matter what has happened, He will take what the enemy meant for evil and turn it around for your good! He always leads us in victory, so keep moving forward trusting in the good plan He has for you!
Simple lang naman ang buhay don’t make it complicated nasa atin ang pagpaplano nasa Diyos ang pagtatagumpay.
Hanggang sa muli mga KKKKK
Maraming Salamat Po
God Bless us ALL.
Bye
Au RevoiR
Comments
Post a Comment