21st Week in Nigeria

21st Week in Nigeria
 

Wow, 21 weeks na ako d2, ONE HUNDRED THIRTY FIVE WEEKS na lang po mga kaigsuon, kabalen, kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso, @ KAAWAY, hehehehehehehehehehehe.


Binata na ako, Debut ko na kasi, diba sa girlash 18 ang debut at pag katapos nun dalaga na cya, sa lalaki 21 at ganap na cyang binata (kung wala pang asawa), kailangan ng isang matinding selebrasyun nito, kasi dalawa ise celebrate ko yung debut ko at yung 135 weeks na lang hahahahahahahahahahaha, hay naku nakaka baliw kabibilang ng linggo, pero aminin man natin o hindi napaka bilis talaga ng panahon, ngayun binabasa mo lang tong liham ko, bukas makalawa mag kasama na tyo dyan at nag iinuman ng KAPE. Hehehehehehehehe careful you’re on the spot, at saka lagi nating tatandaan ang bilin ni Lola (diba sabi ni SYAKOL), kabilin bilinan ng lola, huwag kang uminom ng serbesa, itoy hindi inuming pambata mag syoktong ka na lang muna.

Pero nakaka lungkot, sa sobrang bz ko (Bc daw oh), eh naka limutan ko batiin yung yung dear brother ko ng happy birthday, nag birthday nga pala cya last February 7, Tol Sorry ha,lagi ako sa labas lately pasencya kn, pero kasabihan nga natin eh huli man daw at magaling eh huli pa rin.  Happy happy birthday, wala akong hiling sa Ama, kundi patuloy kang pagpalain hindi lang ng mainam na kalusugan kundi ng matibay na pananampalataya. God bless you always my dear bro! Isasabay kita sa selebrasyun ko d2, hehehehehehehehe.
 

Matatapos na ang Pebrero, bukas makalawa Marso na, although gamay ko na ng konti ang trabaho pero meron pa rin sumasabit, pasencya na tao lang, hindi sa nanganagtwiran ako eh ang laki kaya ng operasyun nito, 3 planta kasi ang sinusuplayan ko pero pasasaan at maayos ko toh, sabi ko nga eh payapa na ang delubyo, at konting hinga pa eh ok na cya, mailatag lang ng maayos yung sistema magiging ayos din ang lahat.

Pero sayang talaga kasi ang dami ko na mi miss dyan sa pinas, akalain mo yung pnaganay na anak ng kaibigan ko ikakasal nagyung Pebrero di ako makaka dalo tapos Debut ng anak nyang babae dir in ako makaka punta, pero ang higit na masakit di ako makaka pag Sta. Cena, wala kasi kami d2 nun eh, di pa kami ganap na local, parang saling kit lang, parang saling pusa lang local namin, pero alam naming kaisa naman kami at tinatanggap naman ang mga pagtupad at pagsamba naming d2.
 

Pero meron akong mga plano d2 sana maging matagumpay di lang sa akin pati sa Lokal namin d2, tsaka sa pamilya ko na rin at dati kong pinapasukan. Sana papagtagupayin ng Ama, alam naman kasi natin na ang pag paplano sa Tao pero ang pagtatagumpay sa AMA.
 

Walang masyadong isyu d2 now pero sa Pinas alam ko madami, nandyan yung kalamidad, yung Lindol sa La Libertad,  yung CjT (impeachment), yung isyu ng pagkakapatay sa BF ni Ex congresswoman, at yung bagong teleserye si Coco Martin sa ABS CBN, di ako updated anoh! Sayang talaga napanood ko rin ng konti yung concert ni Anne, matapang na bata akalain mong pilitin maging singer, hehehehehehehehe, songer naman pala hahahahahahahhahahahaha. Di ko kaya yug ginawa nya at di ko papayagan na gawin yun ng Anak ko, itatakwil ko cya kasi inilagay nya sa kahihiyan ang apelyedo ko hahahahahaha. Pero ang higit na sayang talag eh di ko masusubaybayan ang teleserye no Coco akalain mo kapareha nya dun si Clara (kagandang bata, kaswerte ni Coco), HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
 

Ganyan talaga pag malayo kahit ano papatulan mo pasencya na lang sa nakokornihan ka pero subukan mong ikaw ang nasa pwesto ko ngayun baka di lang yan maisipan mong gawin baka pati anu at ano at ano pa gawin mo dahil sa sobrang lungkot ng malayo sa mga mahal sa buhay. Kaya pala marami ang nasisira ang pagsasama, marami ang naghihiwalay, marami ang nasisisraan ng ulo kasi mabigat, mahirap at masakit sa ulo. Kaya nga sabi dun sa isang sikat na kanta eh, “Napakasakit Kuya Eddie, Ang sinapit ng aking buhay”,
 

Pero totoo ba yun? Kaya nga ba nangyayari yun eh dahil sa lumayo ang tatay o ang nanay sa pamilya, para kasi sakin kasi katwiran lang yun dahilan o palusot lang, di lang naman dahil malayo ka kaya nagyayari ang bagay na yun. Nangyayari yun kasi mahina ang  naging pundasyun, ano yung pundasyun na yun, DIBA Pamilya, saan ba nagsisimula ang lahat diba sa bahay, sa  pamilya, kasi ang bata o ang anak dun nag kakaisip, at kung ano ang nakikita nya sa bahay at itinuturo ng magulang iyun ang paniniwalaan nya, bago pa cya maniwala kung kanin kanino. Kung mai ga guide ng maayos ng magulang ang anak nya magiging maayos cyang mamamayan at magiging dangal cya ng magulang, pero kung HINDi cya mai ga guide ang mangyayari salot cya ng lipunan at kahihiyan ng magulang. Kung nagawa mo ang dapat at naging iba ang ugali nya o naging masama ang anak mo ay di mo na kasalanan yun bilang magulang kasi alam ng Diyos ang ginawa mo ang tama at kung ano ang dapat at di mo sagutin sa Kanya yun, pero kung di mo ginawa ang tama ang naging ganun cya, sagutin mo yun sa kanya, kasi obligasyun ng Magulang na ituro yun sa anak at ibigay ang dapat at maayos na pagpapalaki sa kanila.

Pag nagawa mo yung para sau, meron pang ibang gagawa nung mga dapat! Meron po, Una yung mga Guro. Kaya dapat bago mo sila ipasok sa school dapat na ma tsek mo rin hanggat maari yung mga Guro kasi napaka laking impluwensya nun sa bata, mas madalas pa nga na iyun ang pinakikinggan ng bata kesa sa Mommy o Daddy nya.

Pangalawa yung mga kaibigan. D2 marami ang nasisirang kabataan kasi yung naging kaibigan wala sa ayos, nasa maling landas ang mga Barkada, kaya dapat pag nagsimula ng mag karoon ng barkada ang anak mo dapat kilala mo, dapat alam mo, kasi kung di natin kilala at di natin inaalam ang mga lakad nila baka dun mag simulana maligaw sila. Maraming paraan para ma tsek sila or malaman mo ang nilalakaran ng anak mo. Kaya ako nag FB kasi gusto ko makita kung sinu sino kaibigan nya, kung ano ano ang mga ginagawa nila kasi karamihan sa mga bata yun ang hang out sa bahay, yung mga ginawa nila sa labas pinag uusapan sa FB kaya hanggat maari binibisita ko site nila, inaalam ko ang latest activity nya lalu ngayun na malayo ako.

Pangatlo yung mga relihiyon o mga Pari o Pastor O Ministro (ingat ka lang kasi marami nag kalat na maling relihiyon o pananampalataya). Dun mo mas dapat akayin ang mga anak mo, dun sila dapat mamulat kung doon sila mamumulat at doon sila lumaki cguro walang dahilan para di sila maging dangal ng mga magulang. Kaya medyo kampante ako ngayun kasi kahit paano d2 sila nahubog, naimulat sila ng maaga sa mga pagtupad ng tungkulin at higit sa lahat nakita nila ang kahalagahan ng may tungkulin. Kasi malinaw sa kanila ang dahilan kung bakit sila nilalang ng Diyos at Iyon ay Sambahin at Purihin ang AMA.

Oh paano, galit galit muna, hanggang sa muling pag niniig mga kakilala.



Bye



Au RevoiR

Comments