Hello po,
18 weeks nako d2, 138 weeks na , yehhheeey hep hep hurray, hep hep hurray bukas monthsary ko ika 4 na buwan. Apat na buwang punong puno ng aksyun at kabagabagan, pero ayos na ako for now. Tahimik at payapa na ang unos pero may isang malungkot na balita, nagkasakit ako, wala akong lagnat ubo o sipon man lang pero ng magpa tsek up ako kahapon sa duktor ay may MALARIA daw ako.
Tinawanan ko nga ang dr. Na tumingin sakin kasi ni hindi ako na screen test o kinunan man lang ng dugo para i lab test nag arrive agad sa sakit na malaria. D2 daw kasi masakit ipin mo malaria, nag e lbm ka malaria, may ubo at sipon ka malaria, walang alam na sakit ang Dr. d2 kundi malaria. hahahahahahahahahahaha
Kahapon, pagka gising ko ng Sabado ng umaga, naka ramdam ako ng bigat ng katawan at sakit ng ulo, pumasok ako sa opis den mga bandang 4pm, nag paalam ako para mag pa tsek up, sa madaling sabi na Malaria daw ako. Pero kahit di ako naniniwala nag pa turok pa rin ako ng gamot, kasi baka nga tama ang Dr na yun eh d2 pa ako madedo.
Naka schedule ako ulit kaninang umaga (Linggo) pero dahil sa sobrang trapik papunta sa ospital, nag pasya akong huwag muna tumuloy baka kasi mahuli ako sa pagsamba eh, kaya ngayung 2pm na ako nasaksakan ng gamot. Pinili ko munang tumuloy sa pagsamba kasi kung mahuhuli ako at di makakasamba, kawawa naman ang kaluluwa ko di makaka kain, kasi ang pag kain ng kaluluwa ay mga salita ng Diyos, pag ang tao hindi kumakain ang nangyayari ay humihina ang katawang lupa, pag nanghina ay nag kakasakit at sa huli namamatay di ba nga nung maliliit pa tau tinuturuan tayo ng mga dapat kainin, itunuro pa nga n gating butihing mga Guro yung 3G’s sa pagkain, Anu ano nga yun class, do you know what is the 3G’s “GO”, “Grow”, and “Glow”. Ganyan din ang kaluluwa, dapat pinakakain, pinakakain ng mga Salita ng Diyous para Lumaki , Lumakas at Sumigla.
Masakit yung gamut pag ka saksak sa akin kahapon bagsak ako pag upo ko sa car, ginising ako ng driver ko sa haws na kami naka park, di ako makatayo, di ko rin halos mabuhat yung laptop ko as in ibang klase talaga nangyari sakin kahapon.
Ngayung Linggo medyo ok na ako, ng masaksakan ako dina ako nanghina at sabi ng mga kasamahan ko yun daw nararamdaman ko sintomas daw yun ng Malaria, pero kung nadyan ako sa pinas ituturing lang natin itong sintomas ng trangkaso, pero ako ang hula ko ”over fatigue” lang to. Sana nga TAMA ako dahil mahirap mag kasakit d2, di maganda ang facilities nila, yung ngang pinuntahan ko akala ko bahay lang eh, kasi di mo aakalaing ospital, pati nga Dr. Na tumingin akala ko boy ng ospital hahahahahahahahahahaha, eh paano ba naman ng makita ko may dalang tray ng pagkain at inaabot sa nurse tapos naka tshirt lang at naka maong, naka tsinelas pa. Malayung malayo sa mga dr natin dyan na naka uniporme talaga ng puti, tapos mababasa mo sa uniporme MMC pero nasa medical city ka nag papa konsulta, hehehehehehehe. Isa pa pa lang nakaka dismaya sa tumingin sakin, pag upo ko sa kanya hanggang matapos kami nguya ng nguya na sa hula ko eh karne yun na naiwan sa huling subo nyang pagkain ginawang bebble gum as in parang jucy fruitte, (look at the spelling ha, bebble gum at jucy fruitte) na paulit ulit ulit na nginunguya at kinakatas. Hahahahahahahahahahahahahaha, grabe talagang experience ko d2, etong experience na hindi kayang bayaran at di matutularan, as in pag inialok sayo na d2 magtrabaho at nababasa mo mga blogs ko, kahit pa cguro 10 ulit ng sueldo mo dyan ang offer d2 hindi mo cguro tatanggapin ang alok na trabaho d2 kaya payo ko huwag mo basahin blog ko kung balak mong mag work d2 sa bayang ito hahahahhahahaha.
SALAMAT PO..........
Miss u guys,
Hanggang sa muli mga KKKKKKKK.
Bye
Au RevoiR
Comments
Post a Comment