17th Week in Nigeria (Annexure I)
Hello po,
Natapos na ang rally after 1 day of sit down strike, nag deklara na ang welgista na tapos na sila, ibinaba ng presidente ang presyo sa dating 155++ naging 97 na lang (dati 65 lang po per liter yan).
Nag salita sa national tv kagabi ang presidente nila at nagsalita na kanina yung pinuno ng mga welgista, ngayun kami naman ang mag hahabol n2. Sobrang laki ng nawala sa amin, ibinaba na sa 800m ang target from 1B, kaso anong oetsa na, sayang ang araw na nag daan di mo naman masisis ang welgista kasi ang laki talaga ng itinaas, di mo rin naman puede sabihing mali yung presidente kasi maganda ang layunin nya eh, sana lang sa huli matupad anu man ang ipina ngako nila sa tao.
Kahapon (Linggo) natapos din ang pag uusap namin ng dm ko, ipinaliwanag nya sa akin lahat at nag agree kami, pumayag din ako na huwag ng umalis kasi naintindihan nya ang side ko, sabi ko naman sa kanya kaya ko ang pressure sa trabaho pati mura at sigaw nila kaya ko eh, pero wag yung personal kasi ilalaban ko yun ng babag at patayan.(naks akala mo totoo)
Tapos ipinaliwanag nya at inamin nya sa akin na lahat ng nangyayari sa balwarte ko now eh di ko gawa or di ko kasalanan. (honestly di ko talaga kasalanan to, dala ko balls ko kahit saan ako mag punta kung akin at ako may gawa aaminin ko tsaka ko itatama at pipilitin na huwag ng maulit), pero di ko sinabi yun sa kanila kasi ayaw kong isipin nila na nag dadahilan lang ako, ang maganda n2 sya naka tuklas ng tootong nang yayari.
Ngayun ayos na ako d2, kaya sori po sa mga nag aantabay sakin na babalik na ako, di po muna ako makakabalik kasi HINDI po ako pinayagang umalis at kailangan daw nila sa kumpanya ang isang (nakakahiya baka sabihin nag bubuhat na ako ng bangko eh pero kailanagn ko sabihin d2) honest na katulad ko. Kaya po baka after tatlong taon na talaga ko d2, huhuhuhuhuhuhhuhuhuhuhuhu.
Pero alam ko may plano ang Diyos sakin d2, sa awa at laging tulong nya, i can bring scm to it's greater heights, at iyan na ang sisimulan ko.
Kaya balik na sa dati "Have no fear Raffy is Here", hahahahahahahahahahahahahaha
Joke lang po.
Miss u all guys,
Hanggang sa muli mga KKKKKKKK.
(Ka cycles, Ka beach hut, Ka bite block, Ka smart steps, Ka cradle at ang paborito Ka bliss, see you soon)
Bye
Au RevoiR
Comments
Post a Comment