16th Week in Nigeria
Naka lipas na ang New Year Week 1 ko ngayun, 51 weeks na lang January na ulit. YES! YES!. Akalain mo I survived three gruelling months, malaking achievements na to sa buhay ko but not in my career d2 sa OBLO.
Ang bilis talaga ng panahon noh, parang kelan lang ang mga pangarap koy kay hirap abutin, dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating hehehehehehehehehe para kanta yun ni Laura ah., kilala mo ba yun cya yung ka love team ni Florante.
Wala kami pasok bukas Lunes at malamang pati Martes at kung papalarin pati Miyerkules kasi ba naman, welgang bayan d2. At ang dahilan ng welga, pag taas ng presyo ng petrolyo o ng langis from 63 per liter to a whooping 150+ per liter, akalain mo dyan sa ating bayang mahal ang pagtaas pa piso piso galit na galit na tayo pero d2 kung magtaas by hundreds. Kaya nagwawala mga local d2. Ang welga ay magsisimula ng Lunes kahit pa nag baba na ng desisyun ang Federal Court ng hold order hindi sinunod ng labour at ang sabi wala daw silang nakuhang desisyun galing korte,akalain mo biyernes pa nag baba ng desisyun, lingo na wala pa daw silang hawak na papel o kopya ng desisyun, parang meron akong alam na ganyang pangyayari nun ah, pero ng gustuhin nakuha agad yung desisyun ng korte nakuha (diba ganyan yung nangyari sa kaso ni gma, dahil mag ko convene ang SC ng 12 noon nagsampa ng kaso ang kampo ni P-noy eswess eto na ang demanda naka hold na si Gloria hahahahahahaha) simple lang talaga ang buhay “Pag gusto maraming paraan, Pag AYAW maraming dahilan. Ganyan din po d2 namamanipula naitutuwid ang gustong ituwid at naililiko ang gustong ilko. Di kaya mag kakamag anak ang mga pulitiko d2 at pulitiko sa pinas, hehehehehehehehehe, nag tatanong lang po.
Ang welga d2 pag sinabing National sisimulan ng Lunes kadalasan natatapos ng Miyerkules tapos i ko called off pagdating ng huwebes at biyernes para yung mga tao maka pamili maka pag imbak ng pagkain tapos mag wewelga na naman ng Lunes til Wednesday ulit, kasarap naman ng buhay ano po hahahahahahaha.
Madami inimplement na bago d2, yung isa pang isyu eh yung walang pera sa mga tsansaction, ang idibidwal na tao ay puedeng mag widraw hanggang 150k lang araw araw at 1M lang sa korporasyun, akalain mo ipinadala ng CB ang memo last Dec, den implementation na ng January ganyan sila katindi, pero merong behind the scene kasi! Eto ipapaliwanag ko sayo making kang mabuti para maintindihan mo, sa boung lagos 93% d2 cash transaction at yung 7% lang ang nakokolektahan ng tax. Ngayun sa implementasyun ng bagong batas gusto nila makuha yung tax ng 93%, para makuha nila yun kailangan nila umisip ng paraan so lahat ngayun ng transaksyun dapat naka Paypal (sheet, sosyalin naka Paypal sila or thru debit card). Syangapala bago ko maka limutan ko yung Dating CEO ng Paypal ay cya ng Bagong CEO ng Yahoo.com das right das right sabi nga ni willie, our beloved Yahoo.com ay bago ng CEO. In the name of >>>>>>>>>>>>
Going back to where i belong, yung pangulo nila maraming plano, gusto nya daw alisin ang korupsyun (meron ba d2 nun wala naman ah....), gusto nya pasemento ang mga daan, gusto nya magtayo ng mga ospital, daungan etc, etc. Kaya isa sa naging aksyun nila ay tanggalin ang subsidiya ng gasolina kaya biglang lomobo ang prseyo, akalain mo exporter sila ng krudo pero ang presyo nila per liter eh 150+, para ngang mali ako parang 160++ pa ata eh, i devide mo yan sa 3 para makuha mo ang halaga sa Piso, o eh di natuto ka pa ng division at conversion factor sakin, hahahahahahahahahaha. Sa minimum na 150 lumalabas 50pesos per liter dyan basa atin magkano na per liter, o kita mo parehas lang eh bakit tayo umaangal sa presyo bakit tayo nagwawala pag tumataas ang presyo ng langis. So tama pala ang kalkulasyun ng mga oil companies dyan , kaya hindi totoong kumikita yung dating Energy Secretary o maging yung mga nag daan pa. Mali ang paratang na yun, kahilig kasi nating magbintang, bakit napatunayan ba nila kung saan nanggaling yung ipinag patayong bahay na humigit kumulang na 94M sa fort. Weeeeeeeee asan ang katibayan nyo, cge nga cge nga ilabas nyo.
So simula bukas hanggang sa martes at kung papalarin pati sa miyerkules eh wala kaming pasok, oh diba! Ang malungkot lang nito bawal kami lumabas kasi delikado, yong welga d2 pag lumabas ka babatuhin ang sasakyan mo at susunugin hehehehehehe, hindi sila bayolente db.
Kaya kami permis lang sa haws, stay at home watch DVD, drink some kape and chill out.
Bye
Au RevoiR
Comments
Post a Comment