16th Week in Nigeria (Annexure III)

Hi Folks,

After 5 days, nag pahinga sila (mga welgista) sa Lunes na langa daw ulit hahahahahahaha. Ang dahilan para daw yung mga tao maka pamili at maka pag imbak ng pag kain kasi kung hindi mag kakasundo sa hinihingi ng raliyista tuloy ang pag aaklas sa lunes so ini expect namin na tuloy tuloy yan sa buong linggo.

Gusto ng raliyista na ibalik sa 65 ang krudo, samantalang ang gobyerno ang gusto ay 90 (from 65 to 155 den 90 na lang daw), pero mukhang ayaw ng mga welgista ng 90 mas gusto nilang 65 lang kaya malamang na tuloy sa Lunes at pag itinuloy nila yun mas malamang na wala na naman kaming pasok ng isang linggo.

Sa bawat linggong lumilipas na hindi kami nag bubukas at nag bebenta nalulugi or nawawalan kami ng humigit kumulang 250 milyun na benta. Grabe ang pinsalang ginagawa ng welga, maliit pa yun sa ibang kumpanya d2. Yung adwana d2 baka 5 hanggang 10 bilyun kada linggo ang nawawala sa isang adwana eh tatlo ang port d2 na nag ooperate so mga 30 bilyun kada linggo ang nawawala sa kanila. Hindi pa kasama dyan ang tongpats kung isasama baka mas malaki pa ng 2 ulit.

Kung maliit liit na kumpanya cguro ang  pinapasukan ko baka nag sara na kami, pero wala kaming magawa kasi pag nag bukas ka baka mas malaking pinsala ang mangyari sa kumpanya. Hindi natin alam ang puede at kaya nilang gawinpero mas malamang na malaking perwisyo kung mag bubukas kami.

Kung sakaling matuloy yun sa lunes sa house lang ulit kami, di kami puedeng lumabas kasi delikado. Pumasok kami kanina pero walang benta, nag maintenance lang, kami nag si gawa ng report, ako nag update at nag punta sa shipping line para sa palabas naming kargamento.

Abangan na lang natin ang sususnod na kabanata kung matutuloy o hindi, pero sana walang buhay na mawala kasi ang huling welga 50 daw ang patay, sana naman sa darating na linggo kung itutuloy man wala na sanang masaktan. Galit na mga tao kasi ayaw mag give way ng presidente, ayaw din naman mag bigay ng mga welgista, kaya ang nangyayari ay parang manok at itlog, kung sino ba talaga nauna Manok o Itlog, ikaw anu sa palagay mo sinu nga ba nauna.

Ingats na lang po mga kapatid, kapanalig, kaibigan, kakampi.

Bye

Au RevoiR.

Comments