15th Week in Nigeria

15th Week in Nigeria



Isang tulog na lang Bagong Taon na, ika labing limang linggo ko sa Nigeria, wheww,ang hirap 141 weeks pa, mabigat ang tipa ng kamay ko kasi unang bagong taon na di ko kasama ang pamilya ko, unang bagong taon na hindi ako makadadalo sa salo salo ng Manrique Clan at unang taon ding di ako makakadalo sa salo salo ng Sugay Clan.

Di naman kami nag hahanda sa bahay namin pag bagong taon, magluluto lang ng ordinaryong ulam tulad halimbawa ng tuyo at bagoong. Tuyo ang sabaw ng Adobong manok at Baboy at Bagoong na sawsawan ng kare kare at may extrang Crispy Pata just in case maumay ka sa dalawang nauna, hahahahahahahahahaha. Pero ang totoo ang handa kasi namin ay sa kinabukasan sa mga salo salong pupuntahan namin, ang nangyayari sa amin ay nanunuod kami ng fireworks display at nakikinig ng mga nagpapaputok, di ko sinanay ang mga anak ko ng paputok, kuwitis lang at trompillo at fountain okey na yun, kasi baka maaksidente pa. Ang importante kasi sa amin ay yung bago mag hiwalay ang taon sama sama kami ng mga anak ko at asawa ko na mananalangin. Iyun ang hindi ko magagawa ngayun ang manalangin kaming mag kakasama, kasama ang aking boung sambahayan sa loob ng halos labing walong taon at aton taon namin yun ginagawa di namin naka limutan yun na sa tuwing bago mag hiwalay ang taon ay sama sama kami ng aking buong sambahayan at iyun ang pinaka mabigat sa akin ngayon, ang hindi ko sila kasama sa paghihiwalay ng taon.

Ipinagpapasalamat kasi namin na sa boung taong nag daan iningatan nya kami, inilayo kami sa mga sakuna, sa mabibigat na karamdaman, ipinagpapsalamat din namin ang aming mga mahal sa buhay na iniingatan Nya rin. Ipinag papasalamat din namin ang pananatili namin sa aming pananampalataya ang patuloy na pagbibigay sa amin ng AMA ng buhay at lakas pero higit sa lahat ng iyun ipinag papasalamat namin ang pananatili naming kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Wala kasi kaming ibang kayamanang itatangi sa mundo kundi ang pagiging akaanib sa INC.

Isipin mo na lang sa dinami dami ng mga napahamak at napapahamak araw araw, lumipas ang maghapon di ka nasaktan o naaksidente di ba malaking biyaya yun sa atin ng Diyos, minsan kasi di natin naiisip na dapat nating ipagpasalamat ang lahat ng nangyayari satin. Sample lang to para maintindihan natin, yun lang kumurap ang mata mo eh di mo alam kung ano ibig sabihin nun kung ano ang halaga, bakit ba tayo kumukurap, pero subukan mo pigilang kumurap try mo lang kahit sa loob lang 15 segundo ano kaya mangyayari sa mata mo, cge subukan mo lang.

Kaya kahit mabigat sa loob ko, kahit masakit sa dibdib ko, kahit halos masira ulo ko d2, ipinagpapasalamat ko pa rin yun sa Diyos kasi alam ko kahit malayo ako dinidinig nya ang panalangin ko kasi nasa maayos akong kalagayan d2, maayos ang sambhayan ko, pati mga magulang ko at kapatid ay iniingatan Nya, di sila pinababayaan.

Sa sabado nga ng gabi ako lang mag isa d2 sa haws eh, mag isa kong sasalubungin ang New Year kasi yung mga kasama ko pupunta sa ibang lugar dun sila mag bagong taon kasama yung ibang mga pinoy, isinasama nila ako pero di ako sumama kasi malayo yun halos 3 hours ang byahe mula d2 sa tinultulyan ko, sabi nung isa kawawa naman daw ako kasi mag isa lang ako d2, pero ang tunay na dahilan kaya di ako sasama sa Linggo at anu sabi ni Mama "Tomorrow is another Day" hahahahahahahahahaha, mali po Linggo po kasi araw ng pag samba, kung sasama ako sa kanila baka di po ako umabot sa pagsamba kasi malayo yung 3 oras na byahe mabuti sana kung kasama ko driver ko dun at least cgurado ako kahit paano kaso uuwi cya sa pamilya nya para mag bagong taon doon. Isipin mo unang pagsamba ng taon di ako makakadalo, dun ako kawawa kasi di ako makakasamba dun ako talo kasi ipinagpalit ko sa kasiyahan ang pagsamba ko, kawawa naman kaluluwa ko, paano kung sa panahong nandun ako sa kasiyahan kunin ako ni Lord, mapupunta kaya ko sa langit, hehehehehehehe.

Mahirap sabihin sa iba yun eh kasi sabihin panatiko ako, sasabihin pare pareho lang lahat yan,hayan ko na lang bahala sila kung ano gusto nila isipin ano gusto nila sabihin basta ako dadalo ako sa linggo. Ikaw anu plano mo sa linggo saan ka pupunta saan ka dadalo baka pupunta ka sa mall o kaya kakain ka sa labas, bakit di ka muna dumaan sa kapilya at magpasalamat at sumamba at least naibigay mo yung para sa Kanya.

Mabilis naman ang panahon pasasaan ba at maya maya lang new year na bukas makalawa new year na ulit tapos new year na ulit tapos hulaan mo, new year ulit ay mali ka po UUWI NA AKO nun. Hahahahahahahahahahaha



Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat mga giliw kong taga subaybay.



Kaibigan, Kapatid, Kaigsuon, Kapamilya, Kapuso, Kasama, Kabarkada, Kabalen, Kautuan



Bye





Au RevoiR




Comments