14th Week in Nigeria

Grabe talaga tong napuntahan ko, ibang klaseng animal talaga, yung mga tao sa adwana yung tinatawag na opisyal ng custong, nakupo nanay ko ang sakit sa ulo, Diyos ko po, malapit na talaga akong matuyuan ng regla, akalain mo yung mga ipinapasok naming produkto na matagal na naming ini import at wala naman dating problema dahil sa mag papasko aba eh binago yung tax & duty rate from 5% ginawang 35% dahil di daw cya wip kundi finish product na. For the last 5 years ganun cya lagi tapos ngayun binago na ang taripa nya kasi stainless daw cya as in dumami pa ang naging problema as in hinanapan talaga nila as in mali daw ang naka deklara sa manifesto as in mali yung mga quantity etc etc etc.



Kaya eto lunes na lunes eh para akong hilong talilong kasi inabot na ng halos 2 buwan yung kargamento ko eg di katakot takot na demurahe na naman to. Kaya tuloy yung boss ko ayaw akong tigilan until now nag uusap pa kami sa email at as useless galit na galit na naman cya, hehehehehehehe.



Pumunta ako sa opis ng custong dahil dun sa problema ko, ayaw talaga pumayag, inintertain naman ako tinanong kung saan lupalop ng mundo ako galing, sabi ko sa pinay akala daw nya sa lugar ng tsekwa sa mainland, habang nag uusap kami may pumasok na broker at nag abot ng folder, pinapapirmahan tapos nag abot ng 40K sa harap ko mismo, sabi ng custong ilan ba tong ire release mo, 5 sir sabi nung broker sabi ng custong 5 eh bakit 40 lang kulang to oh sabay balik ng folder, sabi ng broker cge na boss iyanlang talaga ang ibinigay sakin talagang wala na eh saka na lang bumawi sa susunod, ok sige pero tandaan mo may utang ka sa aking 10k ha. Grabe sa sobrang garapalan d2 walang hiya hiya eh di ako naman ulit sabi sakin sige na umalis na kayo, yung kasama kong broker di na maka porma kasi binara na ng taga custong eh sabi ko eh boss baka puede nya kami tulungan kasi kailangan talaga namin yung cargo eh, sige mag salita ka eh kayo po mag kano po ba nating puede ayusin ikaw nga magsabi sige nakikinig ako, sabi ko puede po ba sa 50k. ANO minamaliit mo ba ako palagay mo sakin small time, hahahahahahahahahahahahaha pahiya ako, sabi ko eh magkano po ba dapat kasi dati naman na namin inilalabas yan eh, sabay dukot sa bag para ipakita ko yung mga dala kong dokumento, sabi sakin cge dalhin mo lahat ng dokumento para ipa query ko lahat ng inilabas nyong kargamento papaimbestigahan ko tingnan ko lang kung hindi imbes na 20% eh maging 35% pa ang duty nyan sabay ipinasok ko agad yung dokumento sa bag di ko na pinakita baka maurirat pa lalung lumaki babayaran ko at mapagalitan ako ng boss ko.



So balik ako ulit sa tanong ko sa kanya, mag kano po ba dapat kasi walang hiya naman cya eh, I mean di naman cya nahihiya kaya diniretso ko na. kinumpuyutan ako sa 20%, kinuha yung value tapos multiply sa 20% ibinawas yung binayaran naming duty may balance na 1.1M taos sabay sabi sakin usually ganito lang ginagawa namin dyan sabay devide sa 3 eto ibigay mo sakin 370K. muntik na akong mahulog sa upuan grabe ang KAPALLLLLLLLLLLLLL, as in natulala ako sa sinabi sakin sabay tanong sakin o anu mag bibigay knb, ah eh ah eh ah eh di ako maka pagsalita sa sobra sobrang kapal ng mukha ng kausap ko, sabi ko na lang papa aprob ko lang po sa boss ko, sabi sakin sige na sige na umalis na kayo at mag dadasal pa ako kasi oras na daw ng dasal nila oras na ng pag salasala nila. Nag email ako sa boss ko at inaprubahan sa 200K hanggang dun lang daw sya. Iniisip ko nga pag alis ko sa opis nya ilang milyun kaya kinikita nito ARAW ARAW, ibang klaseng animal talaga tong napuntahan ko at nag sisimula na akong mag enjoy dahil sigurado ako di lang ito ang ma eengkwentro ko kundi marami pang iba.



Pasko na ngayun, sa 14th week ko natapat ang pasko, kahapon bisperas nasa isang luagar kaming mga pinoy walang masyadong selebrasyun as in walang putukan, o mga kuwitis na sumisirit pataas as in tahimik na dumating ang pasko, peo ngayun Linggo sa talagang 25th ng December, alas sinko pa lang may nag papaputok na, ngayung lumalalim na ang gabi at papunta na sa alas dose dumadami na nag papaputok at umiingay na ang paligid, lumalakas na ang putukan. Ang celebration nila d2 ay mismong araw ng Pasko, kaya lang binalot ng lungkot ang pasko ng ibang tao d2, kung paanong dyan sa atin ay tinamaan ng matinding kalamidad d2 isang simbahan ang pinasabog at 27 ang patay, napaka raming sugatan, ang balita eh kagagawan ng mga extremist. Although malayo d2 sa lugar kong tinutuluyan pero nakaka lungkot pa ring isipin na dahil sa relihiyon nag papatayan ang mga tao, dahil sa mga maling paniniwala at maling aral na pinananiniwalaan kaya naging lalung masalimuot ang hidwaan sa relihiyon. Kelan kaya matatapos ang hidwaan sa relihiyon, kelan kaya matatapos ang ang pag bubuwis ng buhay dahil sa relihiyon, yung giyera d2 ng relihiyun dumating na sa mataas na antas ng pakikidigma, dati dukutan lang ng miyembro tapos naging patayan, pinupugutan pag gumanti yung kabila sinusunog ng buhay yung kalaban, binabalatan o kaya kinakatay as in inilalabas daw ang laman loob, pero ngayun binobomba na at hindi na paisa isa ang tira kundi maramihan, pag ganti ng kabila lalung lalake ang gulo mas lalong magiging malala ang hidwaan ng 2 panig.

Abangan ang susunod na kabanata,



Maligayang Pasko sa inyung lahat mga kaigsuon, kapa mingaw, kaibigan, kabalitaan, kabalitaktakan, kapatid , kabagang, katsokaran at mga kautuan.

Bye


Au RevoiR


Comments