Sabi ng isa sa mga CA (clearing agent, dyan sa atin forwarderor broker) namin d2 pagtawag ko para ifollow up yung container na ini rerelease nila, Asala malaikum Mr. Raphael S. Manrique your learning the hard way and once you become used to it you’ll gonna love it, and its true, im not yet use to it but I’m beginning to love this, paano ka ba naman di masisiyahan d2 sa trabaho ko walang duplication ng problema hahahahahahahahaha. At ang problema kung dumating akala mo ulan na sunod sunod ang patak na hindi mo alam kung kelan titigil.
Ngayon sinu ang hindi masisiyahan sa trabaho ko d2, hindi ko yata naranasan yan sa pinas sa loob ng 23 taon ko sa scm, hindi ako naka ecounter ng ganyang klaseng ugali, satin kahit paano yung mga nakaka usap ko kahit merong medyo balasubas pero hindi ganito kagarapal, at least meron pa ring pag papahalaga sa pina usapan they honor their commitment eka nga. so ang pinaka maganda tingnan mo na lang sa positibong paraan, sa ganitong paraan gagaan ang paki ramdam mo at sasabihin mo sa Kanya, salamat po kahit paano hindi PA ganito sa bansang pinanggalingan ko. Yung maaga kong exposure sa kalakaran sa loob ng adwana dyan satin kahit paano nag bigay sakin d2 ng kakayahan, kakayahang tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng ito ay dahil sa pera sa salapi sa datung sa money.
Oh paano galit galit muna tau kasi gabi na eh nid ko na matulog dahil bukas Sunday at anong sabi ni MAMA, TOMORROW IS ANOTHER DAY “LUCKY ME” (“,)
Nung isang lingo ang problema ko warehouse ng magkaroon ako, tao naman na mag baba ng kargamento, ng magkaroon ng tao hinarang naman ng unyun yung mga tao ko at bina block sila sa pagtatrabaho dahil gusto nila humingi ng 20,000 di kami pumayag bumaba sa 10,000 so pumayag na kami kasi mas malaki ang demurahe ng container, tapos yung tao naman na kinuha naming ang nag bigay ng problema kasi ang binubuhat nila isa isang sako lang, eh dun sa central warehouse naming yung mga tao naming dun apat apat na sako ang dala eh ang laman ng isang container 640 bags tapos kung datnan ako ng container 10 bawat araw na dapat maibaba ko until 12 ng tanghali paano matatapos yung 6400 ng alas dose kung paisa isa ang buhat nila, sumalosep di ko maubos isipin kung anong oras sa gabi nila matatapos yung 10 container.
So ang ginawa ko kumuha kami ng tao dun sa central whse para mabilis maibaba yung kargamento pagdating naming sa lugar hinarang ulit kami ng unyun gusto nila magbayad kami ng 2000 per container kung iba ang mag bababa ng cargo, di kami pumayag bumaba sa 1000 per container pumayag na kami ang akala ko tapos na kami ngayun ang gusto naman ng mga hinayupak na unyun eh magbigay kami ng 2 naira kada sako, IKAW ngayun ang lumagay sa lugar ko, paano mong di magugustuhan ang trabaho ko d2 hindi ba napaka exciting ang work ko d2. Wala na cgurong lugar sa mundo na kasing talamak nito ang korupsyun, grabe as in to the highest level, matutuyuan ako ng regla d2 sa napasukan kong trabaho, hahahahahahahahaha ang saya saya diba.
And to put icing on the cake, sabi nga nila. Yung container ko halos tatlong lingo na sa loob ng adwana hindi maideliver dahil ang presyo ng truck araw araw tumataas dahils sa xmas rush, yung presyo ng isang container na de bente (20ft) nagsimula sa 60k nung October naging 75k ng november tapos ngayun December 120k na. Isipin mo ganun katindi mag taas ng presyo ang mga trucking company d2 sinasamantala nila ang nalalapit na kaspaskuhan, eto pa ang isang malupet yung truck na kinuha ng ahente namin sa halagang 120K after 2 days ibinalik yung dokumento sa ahente at ang sabi may kumuha daw sa kanilang iba sa halagang 150K, hahahahahaha, naloka ako dun, eh di sa 150K na ngayun ang tawaran, so pumayag na kami kasi talagang kailangan ideliver eh, at tsaka mas mahal ang bayad ng demurahe sa loob ng adwana, eto na ang pang finale HOLD on to your SEAT. So naka karga na ayaw na ngayun ideliver ng driver yung kargada gusto gawin ng 200K ang upa sa truck, tumawag yung ahente sabi sakin boss anu gagawin ko sabi ko kumuha ka ng lubid tapos itali mo sa leeg ng driver saka mo ibitin sa pinto ng container para maging aral sa lahat na mga suwapang na driver, hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
Bye
Au RevoiR
Comments
Post a Comment