12th Week in Nigeria

Thanks God Its Sunday, and tomorrow is another day, simula na naman ng laban bukas pero din a katulad ng mga nagdaang panahon. Bukas ang araw ay sisikat sa ayaw at sa gusto ko at bukas papasok ako dahil marami na naming nag hihintay na trabaho sakin hehehehehehe.
Walang katapusang trabaho.

Saka na natin pag usapan yang trabaho kasi nakaka umay na eh, tsaka di ko na cya masyadong pinoproblema unlike before sabi nga dyan sa pinas eh “SISIW”.  Yun nga lang BULATE lang pala ako tinuka ng SISIW, hahahahahahahahahahahahahaha.

Napansin ko d2 kahit medyo mas angat tau dyan sa pinas eh medyo may kahigpitan, yun nga lang may katapat cya, (DATUNG) sabagay kahit naman satin iyun lang din naman ang katapat. Katulad kanina ang daming Immigration police sa kalye, nanghuhuli daw at nag tse tsek ng mga papeles, swerte ka pag na ispotan ka kasi kahit ok ang papel mo o dokumento peperwisyuhin ka nila hanggat di ka nag hahatag, tongpats baga. At hindi basta tongpats ha 1ook ang hihingin sau sabi non-negotiable daw yun, at tumataas yun habang papalapit ang Pasko. Anu raw yun eh parang nag iipon sila ngayun pa lang para sa Pasko. Isa yan sa dahilan ng pagtaas ng antas ng kidnapping d2, pag malapit na ang PASKO dumarami ang insidente  ng nakawan, kidnapping, holdap. Yung Akyat bahay d2 hindi isa o 2 o tatlong tao ang pumapasok mga 10 hanggang 20 katao kasi pag pinasok nila yung bahay hindi lang bahay mo pati katabing bahay, uso kasi d2 mga compound at isang compound mga 6 flat or 6 door apartment yun. Isipin mo yung Pasko pinaglalaanan nila talaga ng panghanda malayo pa lang pina plano na nila kung saan kukuha ng panghanda, hahahahahahahahahaha akalain mo dun sa mga expat / foreigner nila inaasahang makukuha ang pang handa sa Pasko kung diba naman napaka exciting ng buhay d2 sa bansang to. Natagalan tuloy ako umuwi kanina galing sa pagsamba kasi nag aalangan ako baka madale ako pero nanaig yung tiwala ko sa Diyos kaya umuwi na ako, sa awa naman Nya, naka rating ako ng maayos d2 sa haws.

Isa pa sa napansin ko d2 yung mga ibon kaparis ng Tagak yung puti at mataas ang paa na karaniwan eh sa bukid mo makikita kasama ni “Kalakian” (Di ba yun ang tawag sa National Animal dyan sa pinas). D2 malayang nag liliparan yan at bumababa sa kalye nanginginain na parang mga manok sa kalye. Yung Hawk o Lawin lumilipad yun ng mababa at madalas ko ding nakikita sa mga puno dumadapo, makikita mo rin sa kalye yung mga singanges na NO HAWKING.

Yung mga tao d2 ang ginagamit na pang buhat ay yung ulo hindi kamay, ipinapatong nila sa ulo nila yung mga dapat sana ay bibit nila. Lahat ng bagay maliban sa mga hand bag ay sa ulo nila inilalagay. Tuwing Martes meron d2 sa malapit sa office naming palengke nakikita ko na yung mga tao babae o lalaki sa ulo naka patong yung kargada, at yung mga babae naka tali sa likod nila yung mga anak nila as in dala dala nila yung bata na nasa likod nila nakalagay. Di ko pa lang makunan kasi di pa ako nakaka bili ng camera pero nakaka tuwa tingnan pero yung bata mukhang nakaka awa sabagay di kasi ako sanay na ganun dalhin ang bata, ang alam ko karga sila nasa harap mo para protektado. Minsan nga eh meron akong nadaanan galit nag alit yung babae sinasapok yung driver ng motor pero yung bata sa likod nya halos mag kandabali yung leeg sa likod as in tinatalon nya yung mama para lang masuntok nya sa mukha. Katapang na babae!

Yung SIM card na matagal ng pinag tatalunan dyan kung dapat ba o hindi iparehistro ang may ari o ang bumili. D2 puede kang bumili kahit saan pero di mo magagamit hanggat di mo ipinaparehistro as in ikaw mismo ang mag paparehistro, pero yung sa corporate account cyempre mga staff na ng company ang bahala dun. Pero ganun pa rin ang patakaran hindi cya puedeng gamitin ng hindi rehistrado dahil pag merong lumusot yung may ari o yung telecom co ang lagot, sila ang sisingilin ng federal govt.  Akalain mo dyan pinga tatalunan pa kesyo  merong malalabag na batas  sa human rights kesyo di puede kesyo maraming kokontra simple lang talaga ang katotohanan “Pag GUSTO maraming  paraan, Pag AYAW puro dahilan”.   Yung co. phone ko 2 weeks bago ko nagamit pang tawag at pang txt kasi di talaga puedeng magamit, inis na inis na nga ako kasi nasa akin na yung phone pero di ko naman magamit, display lang sa bulsa ko. Pero iyun pala ang malupit na katotohanan kaya di ko cya puedeng gamitin.

D2 uso rin ang sigawan kahit hindi nag aaway nag sisigawan parang yun ang pinaka expression nila, alam mong galit kasi nag sisigawan eh at madalas ko nakikita sa kalye yun lalo na pag rush hour.

Masarap ding bumyahe d2 kasi yung traffic naku po juice ko, napaka bigat para kang bumabyahe sa edsa sa sobrang tapik kahit di rush hour ganun ang byahe, hay nakaka pagod

Yung kalye nila d2, ilan sa pinag mumulan ng trapik ay 1. Driver, kasi walang disiplina kung saaan saan nag baba at nag sasakay (Same Banana diba). 2. Yung Pasahero , kasi nag kalat sila sa lahat ng lugar as in walang kadisi disiplina akalain mo yung express way nila d2 tumatawid ang tao sa kalye as in nakikipag patintero sa mga sasakyan (may pag kakaiba ba?). 3. Kalye, kasi yung kalye d2 mga sira sira. Yung kalye nga papunta sa apartment namin eh pag papasok kami at uuwi para kang nasa dagat na maalon as in pag daan mo tumatagild o nahuhulog ka sa kabilang side ng sasakyan dahil sa lubak. 4. Sasakyan, kasi yung mga sasakyan d2 lalu na yung public transport aba eh parang damit na luma alam mo ba yung gula gulanit na cya sa kalumaan pero tumatakbo pa cya sa kalye, diba dyan sa pinas may plano na yung mga 20 years ba o 25 years up eh dina puede tumakbo sa kalye (sabagay dyan naman satin magaling sa plano, puro plano, puro plano), pero maguglat ka ha yung iba wala pang 10 years pero dahil nga sa sira sirang kalye ang bilis masira ng sasakyan. 5. Yung mga motorsiklo oh yung Okada, Jabal jabal dyan sa atin, mga single sila pero ibinabyahe ginagawang pampasahero, eto madalas ko tong makitang naaaksidente meron pa akong nakitang nahulog sa kanal yung motor kasma driver at pasahero. 6. Tricycle akala nyo satin lang may tricycle ha meron din d2 kaso di cya naka side car  yung driver nya nasa loob tapos yung pasahero mga 6 0r 8 lahat. Iyang 2 huli kong nabanggit ang malakas gumasgas ng sasakyan kasi singit ng singit tapos pag nagasgasan ka opps sorry, wala ka ng magagawa magagalit ka lang pero di mag babayad.

Yung mga pulis d2 ang hawak o dala hindi 45 caliber, AK47 as in Alexander Kalashinov (tama ba espeling), huh ano panama ng mga pulis natin dyan sa pinas na kung maka asta akala mo si Dirty Harry pag may sukbit na 45 sa beywang, pero may common sa kanilang 2 kahit paano (pulis dyan at pulis d2) pareho silang huli kung dumating sa Scene of the Crime or rumesponde kung tawagin natin, hahahahahahahaha parang pelikula ano laging late ang pulis at d2 yung AK47 display land daw as in pag may nag paputok yung pulis di pumuputok komokober kasi baka maka baril hehehehehehe.

Hay naku hanggang sa muli mga kaigsuon, kapamingaw, kabalen, kabalitaan kabalitaktakan at kautuan hehehehehehehe.


Miss u all.

Au RevoiR

Comments