11th Week in Nigeria

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang kadarating ko d2 sa Nigeria, akalain mo ngayun nakaka 11 weeks na ako pero paki ramdam ko 2 taon na ako d2 sa dami ng dumating na problema sakin d2, trabaho lang naman.

Nangyari na ang mga predictions ko hehehehehehe, para akong si Nostradamus ah, may hula pang nalalaman. Nagputukan na cla, nagsimula ang Bagong Taon ng Nobyembre at matatpos ng Disyembre, humupa na ang unos, payapa na ang panahon merong manaka nakang pag ulan at pag kidlat pero di kapares noung nagdaan na talagang delubyo, kalamidad, at famine ang dinanas ko. Salamat sa tulong at awa ng Poong Lumikha, talagang sa ganitong mga panahon wala ka talagnag puedeng sandalan, wala kang puedeng takbuhan cya lang talaga, wala ng iba sa lahat ng nagyari sakin d2 sa Diyos lang ako tumatakbo, panalangin lang walang iba liban sa panalangin.

Di ko puede asahan ang mga kasama ko d2 kahit yung kapwa ko noypi kasi sila man madaming problema eh, sila man maraming trabaho, kaya lang ang kagandahan sa kanila cycle yun paulit ulit pare pareho, di tulad ng akin iba iba ang problema, di nag kaka pareho, walang naulit kasi pag naulitan ka ng problema merong mali sa proseso mo o kaya mali ang sulosyun na ginawa ko, gets mo...........

Iyun ang nag papatibay sakin iyun ang nagpapalakas kasi araw araw iba cya, kaya pag naayos mo cya wheeew it’s a relief eka nga.

Konting tiis na lang, konting panahon na lang at matatapos na ang pag hihgirap ko 145 weeks na lang kaya at tapos na kontrata ko.

Naisip ko lang bigla bakit ba lagi kong iniisip na maka uwi na matapos ko agad ang kontrata, dahil ba sa hirap ako d2 sa Nigeria, dahil ba ayaw ko ng ginagawa ko o dahil ba sa di ko kaya ang ginagawa ko, di ko kaya in a sense na di ko cya talaga maayos, di ko magagawang ayusin. Teka ha iisipin kong mabuti, baka mamali ako ng isasagot eh.  Hmmmmmm, tsk tsk tsk tsk tsk.

Saka na lang siguro ang sagot gabi na eh,

Bye.

Au RevoiR


Comments