Hay, Salamat sa Diyos tapos na ang isang lingo, nakaka siyam na lingo na pala ako d2 at sa Awa at Tulong ng Diyos nakaka survive ako at sigurado kakayanin ko to, 147 weeks na lang kaya noh, sandali na lang yun ilang tulog lang kaya yung 147 weeks.
Katulad nga ng binanggit ko sa nakaraan (Naks parang kuwento sa Komiks ah meron pang "Ang Nakaraan") nagsimula ng mag datingan ang problema na halos di ko na kayanin, tigil ang mga makina na naming sa 3 planta dahil sa mga materyales na hindi naordeeran ng previous administration, hehehehehehehe. Ang galing galing kong magturo, galing kong magturo bibong bibo magturo hahahahahahahahahahahaha. Nakukuha ko pang tumawa pero sa totoo lang abot hanggang 3rd floor ang problema ko.
Una yung local supplies ko wala pa lang inventory yun, ni walang buffer stocks tapos JIT ang style ng order. Darating ang request katapusan den gusto makuha ng unang araw ng buwan hehehehehehe, sa asar ko nga sa isang manedyer ng planta sinabihan ko bakit akala mo sa requirement mo itina tae o kaya isinusuka, late ka nga nag padala ng request tapos gusto mo makuha agad eh kaya nga nagkada letse letse tong order ko dahil sa late mong padala ng request. (In English yun ah).
Pangalawa, Yung mga rawmats (resin) ko walang malinaw na listahang iniwan sakin kung anu ano ang mga status. Wala pa lang order yung iba don! Tapos yung iba napaka raming dumarating although di cya ang nag paparating pero ang nangyayari di na monitor yung ibang rawmats.
Pangatlo, yung mga accessory na mga piyesa nakupo nanganagubos na buti sana kung iniigib lang sa poso eh, kaso ini import cya. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh.
Pang apat, ang dami kong shipment na nasa adwana naka pending, nag datingan napa la ang mga barko dapat makuha nay un, meron lang akong 21 days at pagkatapos nun mag sisimula na kaming mag bayad ng demurahe, akalain mo demurahe lang per container bumabayad ako ng milyun, napaka yaman ng kumpanya naming at napaka saya ng napuntahan ko.
Pang lima, yung isang kasama kong lokal na babae, na syota yata nung umalis na pana ay biglang nagkasakit sakitan, 2 linggo ng di pumapasok eh cya ang nakaka alam ng mga files d2, cya ang medyo may kabisado ng pasikot sikot sa transaction tapos biglang na appendiks daw, akalain mo yung operasyun nya ng apendiks ng last year pa umulit, hahahahahahahaha, tinubuan yata ulit ng apendiks tapos kailangan daw operahin ulit. Yung naiwan na isang babae hindi alam kung paano at anu mga gagawin dahil eto o ganito lang daw pinagagawa sa kanya. Akalain mo 2 lang ang trabaho, mag encode ng order at pumunta sa banko para kumuha ng dokumento na galing sa supplier namin. Hay naku kung di ka naman matuyuan ng dugo sa nangyayari ewan ko lang.
Sabi nga ni Tita Glo na ngayun ay naka kulong sa isa sa pinaka moderno at pinaka magandang kulungan ngayun sa boung mundo yung St'Lukes, "Ang SAYA SAYA diba". (Akalain mo na iseagway ko pa yun, hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha.
Kaya ngayun ako d2 nag iisa tapos yung kasama ko kasabay kong nag aaral at tinuturuan ko na rin meron akong bagong dating na kasama kaso engot eh hirap na umintindi tamad pa ang bwisit kaasar, pinapatanggal ko na nakukunsumi lang ako eh dami ko nga problema pati cya pinoproblema ko pa. Tapos yung trabaho ko pa walang nakaka alam na iba, meron man iba iba at hindi nila i oofer sau yun, pababayaan ka ng mga pana, ah meron palang isa, yung GM namin kabisado nya yung proseso, lahat ng proseso alam nya lalu yung sa rawmats, cya ngayun ang nag tuturo sakin. Di ba ang bigat ko d2. Akalain mo ang tutor ko may ari ng kumpanya. Nasira na nga yung kasabihan ko d2 eh, yun bang favourite punch line ko na “Have no fear Raffy is here”nag palit muna ako pansamantala kasi di cya bagay sa sitwasyun ko ngayon, di cya akma sa panahon, panahon kasi ng kabagabagan ngayun, panahon ng kaguluhan dahil sa sitwasyun na dinaranas ko ngayun kaya ang punch line ko muna eh “When the going gets tough, Raffy gets going”.
Ang di kasi nila alam sa araw araw na ginawa ng Diyos, ipinag papasalamat ko yun, inihihingi ko ng awa, humihingi ako ng karunungan, kaya kahit anung dumating d2ng bagyo o tsunami man yan, hehehehehehehehehehehehe. Di ako nag iisa d2, kasama ko ang Diyos. Kaya ako malakas sa panahon ng kahinaan, kaya ako matatag sa panahon n g kabagabagan, kaya ako matatag kasi may sandigan ako may kaagapay ako ang AMA.
Nagsisimula pa lang ang unos d2 at sa nakikita ko marami pang darating, pero pag naayos ko lahat to ewan ko lang kung ano gagawin ng may ari ng kumpanya baka di pa ako nanghihingi ng umento eh nagkakandarapa na sa pagbibigay sa akin ng increase hahahahahahahahahahaha baka mag ka totoo bigyan ako ng increase na trabaho, pero promised maayos ko lahat to mailalagay sa tama, Iyan ang legacy na iiwan ko d2 sa Nigeria.....................................................................................................
“HAPPY NEW YEAR” in November at sa December na rin.
Au RevoiR
Comments
Post a Comment