7th Week in Nigeria

 7th Week  in Nigeria

149 weeks to go at tapos na kontrata ko,  hehehehehehehehehehe parang wala akong inaabangan kundi matapos ang kontrata kko, parang pilit kong pinabibilis ang araw para matapos agad ang kontrata ko pero sa totoo lang my hands are becoming full, dumadami ang trabaho ko, tumataas ang load ko at nakakabisado ko na yung mga proseso na gagawin ko, kaya lang parang nababagalan sakin yung coo naming, gusto nya malaman ko agad, eh ni wala pa nga akong 2 months d2 sa Nigeria, tapos yung pinalitan ko din a nila pinapasok kasi may ginawang anomaly, akalain mo kinasuhan cya na nagnakaw sa kumpanya ng 10m as in sampung milyun  mga 3 milyun sa phil. currency yun, ganyan ka grabe ang nakawan d2 sa bansa n2. Nag mi miting kami tapos tinawag cya, den sinamahan ng isang local at pana tapos dinampot ng special agent dinala sa presinto ikinulong pero naka pag piyansa din agad pero wala na tapos na carrer nya.

Sabi sakin ng aking impormante eh mismong may ari ang nag sampan g kaso dahil meron daw account na ayaw naman nya aminin na kanya pero just the same kinasuhan pa rin cya at naka freeze yung account. Akalain mo anim na taon cya d2 sa kumpanya tapos sa isang saglit lang tapos lahat ng pinag hirapan nya. Pati pangalan nya nadungisan at pag nabalitaan yun ng magulang nya sigurado magagalit yun sa kanya, kasi base sa mga kuwento nya mahigpit at disciplinarian ang tatay nya. Sabi nga satin dyan sa pinas eh “money is the root of all evil” but people always wanted to have money, lots of money.

Meron cyang dahilan kung totoo mang ginawa nya yun pero anuman ang dahilan nya Mali pa rin yun siguro lang alam nya yung kasabihang magnakaw ka ng sinko at mag nakaw ka ng milyun parehas lang yun dahil nakaw yun, kaya milyun na lang tinira nya para malaki tutal parehas lang naman nga yun eh, hahahahahahahahahahahahahahahaha pilosopiyang gago.



Napaka exciting talaga ng buhay d2 sa Nigeria, pero sa totoo lang kung di lang malayo at masakit sa dibdib eh ok na rin ako d2, tingnan mo may sarili akong bahay 3 rooms sakin yung pinaka malaking room. Meron akong car with driver, ang allowance ko sobra sakin kung tama lang ang pag gastos ko, tapos mabibigyan ko ng konting luwag ang pamilya ko.  Pero ang kalaban talaga pala homesick buti na nga lang at uso na ang video cam sa Skype o sa  YM o sa Gmail at meron pang isa yung OOVOO, upto 6 person puede mo maka usap ng sabay sabay at Makita ng sabay sabay, ganyan na katindi ang technology now, pero nuon di ko maisip ang pinag daanan ng Tatay ko, di ko alam kung kakayanin ko yun biruin mo sulat lang ang komunikasyun namin tapos every month pa kung dumating sa amin yung sulat minsan lagpas pa. Pero sa totoo lang lahat talaga ng bagay may takdang panahon, kasi ba naman meron na akong offer dati d2 sa Nigeria kaso meron ngang ban pagpunta d2 kaya di ako natuloy pero during that time doble ang offer sakin at ang kumpanya hindi biro kasi ÖIL company at pang 3 yata sila o pang apat sa pinaka malaki sa buong mundo, kaya lang ang tanong kung natuloy ako nun at marami nga kaming pera paano naman kaya ang mga anak ko, mag sisilaki sila ng wala ako, di ko sila magagabayan di ko sila makikita eh puro lalaki pa naman yun, di saw ala akong tiwala sa kanila pero iba pa rin yung nakita mo sila at nagabayab mo sila, kaya nga bago ako umalis nag usap kami at pina alam ko sa kanila ang purpose ko d2 at ang gusto kong makuha sa kanila, kasi dapat alam nila ang obligasyun nila sa akin kasi ako nilinaw ko sa kanila ang obligasyun ko, kaya ako aalis kasi obligasyun ko na pag aralin sila at siguruhin na makatapos at obligasyun nila na mag aral mabuti at maka kuha ng mataas na marka, para maging Masaya naman ako d2, at sa huli para sa kanila din naman yun eh, kasi sandali lang ang panahon mag kakaroon na rin sila ng pamilya kaya dapat matatag ang pundasyun nila, pero higit sa lahat ng ito, nag papasalamat ako sa Diyos kasi nagabayan ko sila sa kanilang pananampalataya lumalaki silang may matibay na pag kakilala sa aral sa INC. Kaya payapa ako d2 kahit malayo sa kanila alam ko laging naka masid sa kanila ang AMA at lagi silang binabatayan.



Au RevoiR

Comments