10th Week in Nigeria

 

Nakaka dalawang buwan na pala ako d2, 2nd monthsary ko now, naks parang may syota eh noh, monthsary daw oh, hahahahahahhahaha. Last Sept. 23 kasi ako pumuga sa pinas, dumaan ako sa masalimuot at madamdaming proseso bago maka labas sa pinas.

Tapos na ang honeymoon period ko, nagsimula ng maghanap ang amo ko, maghanap ng kapalit ko hahahahahahahaha, sa dami ng sabit ngayon sa trabaho ko di nya malaman kung tama ba naging desisyun nya na palitan yung pana at mali ban a kunin ako. Syempre ang sagot ko dun TAMA, alangan naming MALI isagot ko eh ako ang nag tatanong at ako din ang sumasagot, syempre pabor sakin ang isasagot ko. Pero kidding aside alam naman nya na hindi pa akin to, di ko pa gawa ang mga nangyayaring ito, swerte nga si kolokoy dahil naka alis na eh kasi kung nand2 pa cya at nangyari to baka mula ulo hanggang talampakan sinisigawan cya ng gm namin. Eh kung makasigaw pa naman to akala mo hampaslupa yung kausap, GRABE. Meron nga akong ginawang email eh, kwento ko lang ng konti. Yung an tsarge sa bodega nag inform sabi yun daw ganitong piyesa eh critical na at yung isa 7days yung isa 3 days na lang. Ang gusto nya sabihin ko na oorder ako ng piyesa d2 sa local supplier, ang ginawa ko nag email ako copy yung GM pero patanong kung tama ba na iyun na lang ang imbentaryo paki tsek naman. Kinabukasan Martes pumasok sa kwarto ko yung gm at tinanong ako saan mo nakukuha yung report mo na ganito ganyan, in high tone yan sabi nya yung email mo 7 araw tapos yung sagot ng taga bodega 14 na araw mali mali ang report mo anu ba ang ginagamit mong formula mataas ang boses na pigil na pigil ang galit. Hindi ako sumasagot biglang pumasok yung bodegero sinabi ko cya nag bigay sa akin nung info sabi nya ganito tapos ng ini mail ko iba isinagot sa akin kasi gusto nya umorder na ako, pag karinig nun ala eh parang may bombang sumabog sa opis ko yung sigaw nya dun sa panao, yung kulay ko mapusyaw iyung bodegero maitim pa sa akin, nung Pagalitan at Sigawan ng nawala ang kulay eh hahahahahahahahahaha, parang ibinabad sa sukang paombong  hindi pa ako masigawan ng panang gm kasi alam nya yung away namin nung inalis nya dahil sa pag sigaw sakin kaya ko yun sinugod dahil sinigawan ako eh, baka makana ko cya eh kaya medyo ilag pa cya. Tsaka paborito ko pa naman yung madalas ko kantahin nung maliit pa kami yun bang  indyan pana kanakana tatlong pana kakalog kalog”. 

Pero sa totoo lang ibang klaseng animal yung napuntahan ko, iba talaga (naalala ko tuloy bigla yung dati kong boss termino nya kasi to eh, hiniram ko lang), paano ba naman bago lahat sa akin as in B A G O, di ko cya kabisado , di ko cya alam. Ibang iba cya sa mga dinaanan ko nuong ako ay bata bata pa. Kahit sa proseso ng importasyun at eksportasyun ibang iba sa atin sa pinas. Di ko na experience yung pupunta ako sa banko para mag apply ng form M, manapa yung LC nasubukan ko, tapos lahat ng utos minamadali puro urgent puro rush. Di pala cla mga pana eh, mga argetinian at russian  at ang pinaka malupit gusto malaman ko lahat in my 2 buwan dito. Puro patay sunog muna ako after this  itatama ko na after 3 years hahahahahahahaha.

Sa pinas tulog na ako ng 10 or eleven pero di ako nag tatrabaho sa haws napupyat ako sa panonoud ng teleserye yung 100 days to heaven, tapos na kaya yun ano na kaya nangayri kay chavita at sa GnR ni binoy. Pero d2 natutulog ako 12 ang pinaka maaga minsan 230 am gising pa ako at nag tatrabaho grabe, pero ganyan talaga kasi kailangan eh, pag na establish ko naman to madali na lang konti na lang konting konti na lang at mauubos na pasencya ng AMO ko  hahahahahahhahahahahahaha . Pero alam ko may dahilan, lahat ng eto ay may dahilan kasi He always works in a mysterious way, swerte nga nila eh kasi nakikita na nila problema ngayon unlike before itinatago ng mga pana sa gm yung problema akala ng gm ok yun pala  sabit, yun pala ang daming putok kasi sila sila lang nag uusap, nag tatakipan. Isipin mo na lang kung totoo yung kinuha ni pogi na sampung M. Paano naka lusot yun paano nya ginawa yun, imposibleng walang kasapakat sa loob yun. Nabulabog talaga sila as in, at dahil sa ginawa at ginagawa ng mga pinoy d2 yung pinaka boss naming pinoy sinasalbahe na, ipina pakulam daw ng pana, isipin mo kung gaano katindi ang pulitika d2 at kung totoo man yun ganun sila kasama kasi mismong yung katulong ng pana ang nagsabi sa boss naming pinoy na pina pakulam cya ng pana kasi ipinakita yung pangalan nya at yung pera na ibabayad dun sa mangkukulam. Ngayun nga may lagnat yung boss naming eh, nilagnat nung huwebes pumasok ng biyernes kanina din a naman naka pasok dahil nabinat yata nagpunta sa doctor binigyan ng gamut ngayun nag to tong its hahahahahahahahahahaha, partida may sakit pa yun.

Linggo na naman bukas at cgurado trabaho pa rin ako pag katapos ko sumamba, may imbemtaryo nga kami bukas eh, di ako sasama sa kanila, kinausap ako ng pana kanina kung bakit daw di ako sasama sa imbentaryo kasi nag email ako sa kanya, sabi ko sasamba ako at sa mga susunod na pagbibilang kung itatapat nila lagi ng Linggo sila sila na lang mag bilang bahala sila sa buhay nila. Linggo na nga lang ako nakakasamba tapos kukunin pa nila, isang oras na nga lang na i uukol ko sa Diyos kukuhanin pa nila aba manigas sila, kahit pauwiin nila ako sa pinas o kaya bawasan ng sueldo di ako pupunta dun bukas o sa mga darating pang Linggo mag kakasubukan kami. Kahit pa yung gm naming ang kumausap sa akin di nya ako matitinag dun sa desisyun ko, ilipat nila ng sabado o kaya hapon ng lingo puede ako nun, kug alam ko nga lang na 1 lang pagsamba d2 eh baka nag dalawang isip pa ako, baka di pa ako tumuloy d2. Meron nga akong offer dati nung nasa pagawaan pa ako ng sasakyan  3x ng sueldo ko ngayun ang dapat na sueldo ko dun di ko tinanggap eh, bakit? Eh walang pagsamba eh....... Di ko puede ipag palit yun kahit anung pera o yaman, galit nga sa akin yung HR director nung agency eh, natapos na ako sa final interview ng boss kong Hungarian pero ng malaman kong walang lokal ng INC dun di ako tumuloy, sabi ng naka alam sayang daw opportunity anung sayang dun mas sayang yung panahon na  dumaan na hindi ka man lang naka samba, aanuhin ko ang pera, malaki nga sueldo ko maginhawa nga buhay ng pamilya ko eh susunugin naman sa dagat dagatang apoy ang kaluluwa ko aba aba aba aba sa kanila na lang ang pera nila, tsaka malay ko ba kung nung umalis ako nun eh kilala ako ng mga anak ko now kasi mga bata pa sila nung 2006 isipin mo yung bunso ko 3 years pa lang nun yung anak kong panganay 12 years pa lang nun, baka kung napaano na sila ngayun at least now medyo payapa ako kasi nasa tungkulin sila lahat, aba eh mang await yng 3 anak ko organista si misis tapos yung pangalawa kong anak kalihim, lahat sila nasa tungkulin lahat tumutupad, iyan ang kayamanan, nandyan ang pag papala.   

Yun ngang boss ko dati nung nagta trabaho pa ako sa pagawaan, sinubukan ako eh, nag paalam ako na di ako papasok , biyernes nag file ako ng leave kasi di ako papasok ng huwebes at biyernes ng susunod na lingo. Ang policy dapat 24 hour ipapa alam mo sa hr, den inayos ko na yung mga maiiwan at yung direct boss kong ponjaps pinirmahan na yung leave ko at ipinasa sa kanya ng biyernes din, ipinending ba naman sa lamesa nya at nung miyerkules na saka ako tinawag at pinag papaliwanag, ng ipaliwanag ko di ako pinayagan eh meron kaming affair sa INC nun, sabi sa akin tawagan ko daw yung ministro naming at mag paalam ako, hehehehehehe naisip ko agad pinasok ng demonyo utak n2, gusto ako ipahamak eh, sabi ko sa kanya cge po tatawagan ko. Pero di ako tumawag alam ko kasi pag di ako naka dalo ng pagsamba ng huwebes dun sa local sa NE, di ako makakatupad, mahigpit kasi samin eh pag batas, batas walang paki usapan walang padrino, di ka naka tupad sa pagsamba wala kang tupad sa sususnod na pagsamba, aba eh di ako papayag ng ganun, ang ginawa ko umuwi ako sa ne, tapos nag txt ako sa kanya sabi ko di ako pinayagan, galit na galit sa akin yung amo ko, as in minumura ako sa loob ng sasakyan, ang tigas tigas daw ng ulo ko siguro daw hirap na hirap ang magulang ko sa pag papalaki sa akin dahil sa sobrang tigas ng ulo ko, paano ko nalaman kasi yung co manager ko itini txt sa akin, kasama nya sa loob ng sasakyan yung mga co managers ko hehehehehehehehe, sabi sakin nung asset ko “ pre galit na galit sayo maghanda ka na sa lunes cgurado away kayo n2 kasi pag di ka daw pumasok bukas ipapasuspinde ka nya sa hr, sabi ko sa asset ko hayaan mo lang cya tigas .... lang naman yan tingnan natin kung magawa nya sa akin yun, at pag nagawa nya yun magaling cya talaga pero sisiguraduhin ko sau di nya ako masususpinde. Eto na Lunes na, tinawag ako umagang umaga tapos di ako sa conf. Room dinala dun sa cubicle ako pina punta kasi open space yun eh, malapit sa opisina at dinig ng lahat sa opis ang gagawin nya sa akin hehehehehehehehe, eto na cya pag pasok na pag pasok nag mura at ang sabi sinusubukan mo ba ako talaga, sinabihan na kita na di ka puede mag leave tumuloy ka pa rin, ang tigas talaga ng ulo mo. Galit na galit umuusok ang puwet sag alit sa akin, nag papaliwanag ako ayaw making panay ang mura, sabi ko eh para saan po ang leave ko kaya nga po may leave eh para kung may gagawin maiyayos tsaka policy natin 24hrs before leave dapat naka file cya eh Friday pa ako nag paalam  pinirmahan naman ng boss ko kaya wala ako nalabag na policy aba lalung nagalit tapos nag mura na ng nag mura, nabanas ako tumayo ako saka ko sinabihan kung wala ka ng sasabihin aalis na ako sabay tayo at alis sumigaw cya sakin at nag mura ulit sabay sabi di pa tayo tapos,  sinigawan ko na rin sa bwisit ko at sabi ko sa susunod na mag mura ka makikita mo ang hinahanap mo sabay alis sumigaw ulit ipa sususpinde kita tandaan mo, sinagot ko ulit ng pasigaw, gawin mo ang gusto mo pero siguraduhin mo lang dahil idedemanda kita sa labor tuloy tuloy na ako bumalik sa opis ko. Pinuntahan ako ng hr namin sabi sakin pare pinapasuspinde ka ni boss, sabi ko sa kanya sige isuspinde mo para pag kinasuhan ko cya kasama ka tutal uto uto ka naman eh sunod ka ng sunod sa amo mong bugok kahit mali sinisunod mo.  Pero anong nangyari wala di ako nasuspinde minemohan lang ako nung una nga ayaw kong tanggapin pero kapipilit at paki usap na rin ng iba pinirmahan ko na rin para naman maka bawi cya sa kayabangan nya kasi cgurado ako napahiya cya sa akinkasi di nya ako napa suspinde at tsaka baka maka matayan pa nag alit sa akin eh kawawa naman cya mamatay cyang galit sa akin, pero ang punto ko lang bakit ako matatakot sa kanya eh wala naman ako ginawang mali, tsaka di naman ako nag lakwatsa at para sa Diyos ang ginawa ko mabuti nga di cya pinarusahan ng Diyos sa ginawa nya eh kasi ginagamit nya ang kapangyarihan nya sa panggigipit sa akin at sa iba kasi mula nuon di nya ako tinigilan, kung ano ano ginawa nya sa akin pero di cya umubra sa akin heheheheheheheh uragon ini hahahahahahahaha. Pero okey na kami ng dati kong boss umalis ako ng maayos dun, nag paalam ako at nagpasalamat naki pag plastikan sabi nga ng iba hehehehehehehehehe, mahirap kasi may kagalit maliit lang ang mundo mahirap may kaaway.


Grabe ang haba na pala ng naisulat ko, ang dami ko ng naikwento, mukhang napapasarap ako sa pag susulat ah. Cge po gabi na ulit 12:08 na at bukas maaga pa ako kasi Linngo na naman.

Au RevoiR

Comments