6th Week in Nigeria
YES! Parang kelan lang nakaka anim na lingo na pala ako d2 sa Nigeria. 150 weeks na lang at makaka uwi na ako dahil tapos na kontrata ko nun hahahahahahahahahaha......
DEG here I come lol!, Hay naku na mi miss ko talaga yung kumpanya na yun, ang dami kasing pakulo eh, ang daming plano, ang daming gusting gawin madaming aksyon, pero ang masarap dun eh you are working very happy, the camaraderie was there at yung spirit laging mataas, laging punong puno ng energy.
Ang bilis talaga ng panahon, mag bi birthday na pala yung utol ko 50th B-day nya sa Nov. 1. Kuya Tabs, kuya Ronie, purorot, saan ka man now. Dyan ka na lang ha, huwag ka ng bumalik baka matakot pa kami, antayin mo na lang kami pasasaan ba at magkikita kita din tayo sa huli, pag isinugo na ng Dakilang Lumikha ang kayang Anak. HAPPY 50th Birthday sayo. Akalain mo di ka umabot ng 50th bday mo 35th lang yata nung umalis ka at dina nagbalik, tanda ko pa nung gabing bawian ka ng hininga, gininaw ako habang natutulog sa lakas ng nginig ng katawan ko ikaw ang inuusal ko, pangalan mo ang sinasambitla ng labi ko sabi ko wala ka na, sinabi ko kay Jinky na pumanaw ka na, natapos na ang paghihirap ng kapatid ko na mahigit sa 15 taong naki pagbuno sa Kanser. Tama nga ako dahil maagang maaga nung mag punta ako sa UST hospital di ko na inabot sabi kinuha ka na daw ng punerarya nagkita kami ni Kuya nun, pagka galing nya sa Airport dun na cya tumuloy pero di ka na rin nya inabutan. Ako pa nga ang nagdala sa punerarya ng damit na isusuot mo eh, dun nakita kita, naka pikit, naka ngiti tapos na ang hirap, wala na ang problema, dina iisipin kung paano at saan mag aaral ang mga anak, saan kukuha ng pampa aral ng mga bata, dina mag iisip, kasi lahat yun kasama mong nawala, wala ka ng matatandaan sa nangyari wala ka ng maalala sa mga ginawa mo sa mundong ito, pero pag dating ng panahon lahat ng ginawa mo d2 ipagsusulit mo sa AMA, lahat tayo haharap sa ANAK at ibubukod, 2 grupo na lang ng tao ang Mapalad at ang Sawimpalad. Ang Mapalad sa Kanan kasi iyun ang ililigtas iyun ang magmamana ng kaharian ng Diyos, ang Sawimpalad sa Kaliwa iyun ang ibubulid sa nag niningas na apoy ay asupre.
Kahapon Saturday 10.29.11, nag punta kami sa isang Chinese restaurant d2 sa Lagos, nag treat yung COO naming, 7 kaming pinoy ka kasama nya at cya kaya total naming 8 lahat. Masarap yung mga pagkain mga 8 putahe cguro lahat, (naalala ko tuloy bigla yung MESA dyan sa kanto ng T.Morato @ Sct. Fernandez kasi fud trip na ang usapan eh), pero nagulat ako ng kunin namin ang bill kasi ang binayaran nya (COO) ay whooping 64,000 Naira, sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet sabi ko, that food cost us 8k pesos per person, napaka mahal naman,kung dun ako kumain sa pinas nun baka bundat na ako di pa ako nakaka 4k eh, kahit pa sabihin mong sa 5 star hotel ako kumain kasi per person nila mga 2500 ~3500 lang. Grabe talaga ang mahal ng bilihin d2, napaka sakit sa ulo isipin kaya tama ang desisyun naming na mag luto na lang at mag baon sa opis kasi solve kana tipid ka pa. Going back sa coo namin, naikuwento nya samin na asar cya sa mga PANA, kasi nga mayayabang sigaw ng sigaw pero ayaw ng improvement, napaka laki ng expectations nya sa mga Pinoy, at yung mga pinoy nay un na kinuha nya yung ang Catalyst of Change, naks parang totoo ah! Kami daw ang inaasahan nya na magdadala ng pagbabago kami ang New Era of LPI. Pero sa totoo lang di kasi mangyayari yung makarating kami d2 sa Nigeria kung di dahil din sa isa sa pinoy na nauna d2 sa company. Nakita sa kanya ang husay at galing, nakita sa kanya ang malasakit ang sense of ownership kaya kami pinagtiwalaan din. Sabi nga nya (coo) mag recommend pa kayo, gusto ko mga pinoy sisibakin ko ang mga PANA at papalitan ng mga pinoy. May parating kami ulit 4 na pinoy na ininterbyu nya sa Pinas ng magpunta cya dyan last Oct. 5 isa sa Maintenance, isa sa Marketing at 2 sa IT. Kaya kami d2 medyo ingat at nag sisipag kasi gusto naming dumami ang Lahi naming d2, gusto naming madagdagan ng mga pinoy d2,para maka tulong sa Bansa, maka bawas ng un employed, maka tulong sa ekonomiya, MABUHAY ANG OFW hahahahahahahahahahaahaha, cencya na akala ko nasa rally ako eh,lumalabas ang pagiging aktibista ko.
Kanina sumamba ako, muli tumupad ako, pero bago ako tumuloy sa sambaha, dumaan muna kami ng planta kasi imbentrayo kami now. Linggo ha pero nasa plnata kami at nag iimbentaryo pero meron ding mga PANA kaming kasama, dati wala nun, ang imbentrayo nila yearly pero dahil dun sa pinoy na nauna d2 nag karoon ng monthly inventory ng FG’s akalain mo pag upo nya nakita ang maraming problema, problema sa OS, problema sa missing, sa mga ini invoice pero di naididiliver kasi gustong itaas ang benta para Makita sa system mataas ang benta pero pagpasok ng bagong buwan isosoli din, yung iba dina naaalis kaya ayun lumulutang nagpapatong ang problema, akala kumikita iyun pala operating at a lost, bilib nga ako d2 eh 67 ang expat 10 ~12 kaming pinoy 2 South African (puti) yung natira puro pana, ang dami noh, ibang klase.
Inilipat na nga pala sa akin yung sasakyan at yung driver, yung papalitan kong pana, wala na tinanggalan na ng pakpak, inalisan na ng yabang, binawi ang BB ang phone, yung email nya diverted na sa akin, nakaka awa din pero iyun kasi yung balik ng masamang ginawa mo eh, iyun ang epekto ng di magandang performance nya before, maraming galit sa kanya kahit mga kapana nya galit sa kanya kasi nga mayabang eh. Eto yung 2 weeks pa lang ako eh sinisigawan ako sinabihan ko na huwag akong sigawan sinigawan pa rin ako, sinugod ko nga sa upuan nya at saka kosinurot sa mukha at saka ko sinabihang huwag mo akong sigawan, akala nya sasapakin ko cya ayun namutla nenerbyos tapos tinanong ako kaya mo bang patakbuhin tong SCM sagutin ko nga ng bakit mag reresign ka cge umalis kn, kelan! ngayon mo na gawin (NOTA: Sa English ko lahat sinabi yan ha as in in English), kaya ayun gumawa ng email sa MD tapos nag sumbong na halos i sapakin ko daw cya, tinawag ako ng COO namin tinanong ako kung anu nangyari, kasama ko yung pinoy na CFO yung nauna d2, naka alalay sakin sabi ko di kop o sinapak sinugod ko cya kasi sinisigawan nya ako kahit 3 bese ko na sinabi na ibaba nya boses nya at huwag cyang sumigaw, pero di ko po sinapak. Sabin g noypi sakin sabi daw nung may ari sana daw sinapak ko na para nakita nya hinahanap nya hehehehehehehehe, akala ng pana kakampihan cya pag send nya ng resignation letter nya dumating yung sagot ok cge ayusin mo yung turn over mo kay Raffy, hahahahahahahahaha, kaya eto ako pressure kasi yung GAGO ayaw mag turn over ng maayos kaya sabi ko since wala namang turn over na maayos alisin na lang baka kung anu pa ang gawin eh. Damage Control na lang kami para sigurado. God always work in mysterious way kaya cguro ganun nangyari.
Late na next week na lang ulit. Miss u all guys. Love you my BABY SAM.
Au Revoir
Comments
Post a Comment