Ika limang linggo ko na d2 sa Lagos, marami rami na rin akong napuntahang lugar d2, pero kahapon sabado walang pasok, lokal eleksyon. Dito pala pag eleksyon hindi puedeng lumabas ang mga tao sa kalye at magpagalagala, pag katapos mo bomoto uwi ka sa bahay at mag stay ka dun, pag nahuli ka kulong ka at kakasuhan ka agad ng "trying to sabotage lection"o kaya electioneering, kaya yung house help namin di nag punta kaya ayun tambak ang ligpitin meron cyang dahilan hehehehehehehe. Kahapon din dinalaw kami ng mga kakilala naming pinoy d2 sa lagos yung iba naman galing ng Ikeja kanugnug na bayan ng Ajaokung saan kami nag iistay. May dala silang konting pag sasaluhan at merong dalang Magic Sing (plugging to baka kunin pa akong endorser) and they also brought JW Red, normal na d2 yun JWR, o kaya yung JWBlack, o kaya yung JWBlue, pero and di alam ng iba ay yung double black na natikman ko dun sa isang bahay na napuntahan ko (nung bigyan ako ng salto), inihain yun sa harapan at tinikman ko kahit di ako wine lover, at least masasabi kong masarap at natikman ko pero di ko pa rin sila type kasi malt lover ako. Ang maganda sa nangyari sakin kahapo ay nilagnat ako ng umaga mga 10am ko cya naramdaman, d2 pa naman napakahirap magkasakit kasi walang alam ang mga Doctor d2 kundi Malaria, masakit tiyan mo sasabihin malaria, masakit ipin mo malaria, pag dinala ka sa dr asahan mo na kahit anong sakit mo unang dianosis MALARIAAAAAAAAAAAAAA.
Pero maganda rin naman yung nangyari at nag kasakit ako kasi ibig sabihin non ay di ako nakasama sa HYY nila kagabi (Naks plugging na naman, calling AS CBN) at di ako napuyat di ako nasenglot kasi tutupad ako ngayon, kaya kahapon ang ginawa ko nanalangin at saka uminom ng gamot kasi alam naman nating lahat na ang AMA ang Dakilang Manggamot, buhay nga ibinigay sa atin, sakit pa kaya ang di nya kayang pagalingin. This morning I am preparing because I am going to Church to Worship and Glorify our God.
Pagbalik ko nagluto ako para sa may makain, isang latang luncheon meat at isinabay ko na rin sa saing yung kakainin namin ng gabi kasi darating yung mga kasama ko galing sa Apapa kung saan merong liga ng baskebol at nandun ang maraming pinoy.
While cooking Skype at Chat para Makita at masilayan ang mag MAHAL ko, masarap ang paki ramdam na malungkot at ang di mo maipaliwag na damdamin. Isa isahin natin :
UNA. Masarap ang pakiramdam, masarap kasi lumuluwag ang dibdib mo, nawawala ang alalahanin mo kasi nakita mo na okey naman sila na kahit malayo ka sa kanila nalalaman mo na nasa maayos silang kalagayan.
PANGALAWA, malungkot kasi malayo ka sa kanila sa kabila ng alam mo na nabibigyan mo sila ng medyo maayos na pamumuhay nakaka lungkot kasi di mo sila katabi matulog, di mo sila kasabay kumain, ang laki pa naman ng time diffirence (7 hours kaya) di mo sila napapagalitan pag late umuwi LOL!.
PANGATLO, Di mo maipaliwanag na damdamin, teka ha! paano ko ba ipapaliwanag ang hindi maipaliwanag, ahhhh TIK TAK TIK TAK. Pasencya na pero mahirap talaga ipaliwanag ang hindi maipaliwanag eh.
Next time na lang baka maipaliwanag ko na.
Comments
Post a Comment