4th Week In Nigeria

4th week in Nigeria

Akalain mo pang apat na linggo kona d2,  eh 156 weeks lang ang kontrata ko, eh di meron na lang akong 152 weeks. YES!!!!!!!!!!!!!   152 weeks to go, hahahahahahahaha!  Sabi nga ng mga manginginom “Cheers Man”. Lol

Ganito pala buhay ng OFW, pilit mong pasasayahin ang sarili mo, (take note ha pasasayahin hindi paliligayahin magkaiba kasi meaning nun sa pinas eh).

Kumusta na kaya mga nakasama ko sa work dun sa pinas, na mi miss din kaya nila ako, d2 kc wala kang magawa kaya lahat sila maiisip mo, isa isahin kaya natin sila. ay huwag na lang baka magalit pag nabanggit ko sila kasi alam nila na sila yun eh tsaka yung iba naman ay di naman nila alam na nand2 na ako sa Homeland ko, My Native land sabi nga ng taga indo.

Pero MASAYA ako ngayun kasi nakatupad na ako, 1st time ko naka tupad outside the Philippines, di ko maipaliwag ang nararamdaman ko, tuwang tuwa ako, nag uumapaw ang kaligayahan sa puso ko, kasi ba naman 2 weeks ago tutupad na sana ako, kaso di dumating driver ko, kaya di ako nakasamba, nung sumunod na linggo di tuloy ako nakatupad, kaya kanina ng sumamba ako ayun daig ko pa ang tumama sa LOTTO, di maiintindihan ng iba yung sinasabi ko pero pag nabasa to ng pamilya ko alam nila at mga kapatid ko alam din nila ang tinutukoy ko, alam nila ang damdamin ng isang may tungkulin.

Last week we visited some of our supplier / forwarding co. Nag punta kami sa VI or Victoria island (parang Legaspi Village Makati to satin) d2 halos lahat ng mga head offices ng mga malalaking banko, insurance company, shipping company etc., nadaanan naming ang mga malalaking flat (paupahang bahay d2) at sabi ng driver mga pinoy daw nakatira dun na nag ta trabaho sa mga oil company d2, grabe ang accommodations nila they live in a luxurious life sabi nga, paano ba naman isang malaking compound cya na may mga 6 to 8 houses na merong swimming pool, 24 hour guard, driver at ang sweldo ang lalake as in mucho dinero sila, kaya ganun na lang kung mag syota ng mga tsika babes d2, pag may nakita kang medyo / or maganda tiyak yun syota nila yun, sustentado nila, hahahahahahahaha.

Pero ang isang di magandang nakita ko d2 ay meron akong nakitang patay sa kalye, (din na sa VI yun dun na yun sa malapit sa opis namin) as in patay cya at medyo bloated cguro mga 3 days ng dedo  pero walang pumapansin, nakita ko sa may kalapit na gate may mga tao pero they don’t care, nalungkot ako kasi even my driver eh hindi pinansin the fact na itinuro ko sa kanya at sa kasama kong PANA, nung pauwi na kami ng mga kasama kong Noypi naikwento ko sa kanila sabi ng kasama kong matagl tagal na rin d2, ganun daw talaga d2, medyo iba daw ang kultura, meron nga daw nasagasaan sa kalye walang pumansin parang hayop na sinasagasaan lang ng mga sasakyan doun na nga raw natuyo sa kalye yung bangkay eh. Isipin mo nakasagasa ka ng tao tapos di mo tinigilan yung nakakita dir in nag sumbong sa pulis kasi pag nagsumbong ka, ikaw ang peperwisyuhin ng mga kumag, ikaw ang tatanungin at ang masakit sa iyo pa ibibintang yung kremin, hahahahahaha Buhay nga naman parang Life........
Nanibago talaga ako sa kultura, sa klima, sa oras, lalu na sa buhay mag isa, ang laki ng epekto sakin nung umalis ako ng pinas nasa 85kgs ako, now 92 kgs na yata ako, hahahahahahahahaha imbes na pumayat eh tumaba pa. Buhay ko d2 slip ng 12 bangon ng 6am luto ng almusal kung minsan pero madalas merong nag lulutong kasama ko  si bagwis, magaling magluto si kolokoy, masarap pa  kaya kaming mag kakasama di maawat kumain ay sorry di maawat lumamon. Pero na mi miss ko talaga yung pagkain dyan sa pinas lalu na yung pitsi pitsi ba yun, yung may keso o kaya naman niyog ang sarap nun eh, tsaka yung madalas kong kainan ng kalderetang spare ribs at  pritong isda yung GG o kaya matambaka.

Hay naku,  di bale 152 weeks na lang bukas makalawa 2 weeks nalang yan. YAN SANA!

Comments