2nd Week in Nigeria

Ang bilis talaga ng panahon, akalain mo nakaka 2 weeks na ako d2 sa Nigeria, 2 weeks na ring hindi ayos ang kain ko, hay ang hirap ng Buhay OFW, 2 weeks na ring di matigas ang ebs ko hahahahahahaha,  ewan ko ba bakit napasok ang ganitong buhay, pero sabi nga eh "We do things not because we want it, but we do things because we need to do it".

Pero ang katotohanan ng lahat ng iyan ""we need to do things to achieve what we WANT" ang gulo ano, ako din medyo nahilo eh pero iyan ang katotohanan ng buhay.

8:00pm na d2 Linggo and medyo di pa ako nag di dinner kasi yung mga kasama ko sa haws pumunta sa gathering ng Filipino Community d2 sa Lagos äpapa. Merong kasiyahn dun ang mga Pinoy tuwing sunday. Merong liga ng basketbol na ang purpose eh ma build yung camaraderie kaso meron isang pasikat na ala JAWO iyun nanira at  nanggulang kaya muntik mauwi sa away. Pinoy talaga kahit saan pumunta ayaw pagulang gusto laging nakaka gulang, sayang ang essence ng liga kung mauuwi lang sa pag aaway kasi imbes na mabuo masisira pa ang samahan. Yung iba ayun sa tabi nag to tong its, yung iba nag iinom, yung iba nag hahanap ng makikila at magiging kaibigan (sana hanggang duon na lang), yung iba nag hahahnap ng kakilala baka matulungan cya pumasok sa ibang co. at yung malupit eh yung nag hahanap ng mauutangan.

Ibang klase d2, yung mga locals iba ang ugali, di  uso d2 ang multi tasking, yung uso d2 eh kung ano lang trabaho nya yun na lang cya, di di uso d2 yung process improvement, tapos bawat galaw may suhol, may kickback, langya yung pinabibili namin ng softdrinks pag mag lalunch kami di nagsosoli ng sukli eh, pag hiningi mo deadma, hahahahaha. Hindi magandang impluwencya sa mga bata ang buhay d2,  sa airport pa may kotong, sa kalye may kotong, pag nagsumbong ka sa pulis yari ka pa, meron nga d2 eh itinakbo yung 150k ng isumbong sa pulis sabi yung 20k sa hepe den yung 10k sa mga galamay, "sabi lang naman yun" pero ang nagsabi yung locals din na pinagbabayad namin, akalain mo yung 150 less 30 hehehehehehehehe, sanay sila d2 sa ganun, di gagalaw appel mo pag walang lagay.

Yung isang malaking kumpanya nga d2 ng kilalang mga produkto (meron din dun sa Pinas ng kumpanya na 2) eh ayaw asikasuhin yung payment sa company namin hanggat wala kaming inilalagay, isipin mo kahit Private Co. me lagayan. Malaki yung kumpanya na  yun kilala world wide na maayos mag patakbo at mag pasueldo sa tao pero meron ap rin talagang nanghihingi ng lagay, kung di ka naman maglalagay hay naku ma babaon sa limot yun utang nila hanggang sa tanggalin na lang sa book of account .

Marami pa akong nakita sa loob lang ng 2 weeks, eh 3 years ang kontrata ko d2 naku eh baka kulangin ang page ng blog ko kung sakali. (JOKE JOKE JOKE).

Next time na lang ulit mukhang duamting na yung mga friendship ko eh, baka may dalang fud kain lang ako o kaya luto muna ako kasi di po sama sama kami sa pagluluto para maka tipid kasi ang mahal ng fud d2, ang vaklue ng pera nila is 3 times sa value ng pera natin meaning yung 100 nila 30 lang satin dyan sa Pinas, kumain ako ng KFC ang binayaran ko N1450 eh ang inorder ko lang naman 2 pcs chicken with softdrinks, magkano ba satin yunmga 200Pesos pero d2 ang halaga nun halos 500Pesos.
 Db ang laki ng difference ng price  kaya lang wala tayong magagawa eh, ganayan ang presyuhan d2 kaya kami nagluluto kung ano gusto namin kainin lulutuin na lang namin madami pa makakain namin yun nga lang MINSAN wala kaming lunch kasi di kami naka pagluto,

bye

Au RevoiR

Comments